Friday , December 27 2024

KathNiel, Francine ibinandera ang resibo ng pagboto; Jodi emosyonal

MAAGA pa lang ay marami nang artista ang sumugod sa kani-kanilang presinto para makaboto agad. Ilan sa mga ito sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Jolina Magdangal, Jasmine Curtis-Smith, Mariel Rodriguez-Padilla, Francine Diaz, Jodi Sta Maria at iba pa.

Kasama ni Kathryn ang kanyang inang si Mommy Min at kapatid na si Kaye sa kanilang voting precinct samantalang hindi naman ipinakita kung sino ang kasama ni DJ bukod sa kanyang road manager na nag-share ng resibo ng pagboto ng aktor sa social media.

Magkasama naman sina Jolina Magdangal at Mark Escueta sa pagboto. Ipinost ng aktres/singer ang picture nilang mag-asawa na may caption na, “Dear Pele and Vika…

“May 9, 2022, ito ang aming resibo na kami ni Papa ay tumindig, pinaglaban at pinanindigan ang inyong magandang kinabukasan.

Ang lagi naming dasal, kayo ay maging mabuting tao, matapang na ipaglaban ang inyong karapatan, at laging may empathy at compassion sa kapwa.

Nagmamahal, Mama and Papa. May God Bless the Philippines!”

Ibinandera rin ni Jasmine ang katunayan ng kanyang pagboto at sinabing, “Done and dusted. Basta ako, I #VoteForChildren. Take care today, spread the love, be involved in anyway you can in our communities. Whether loud and big or small and quietly.

Stop the hate. End the bullying. Educate, discuss, debate. Love. Yun lang po! Happy Monday.”

Sinabi naman ni Mariel sa kanyang IG photo sa daliring may indelible ink, “I voted!!!! Woke up at 5:15am showered at 5:20… arrived at 5:58. Lined up.

“Finished voting at 7am!!!! I AM SO PROUD OF YOU @robinhoodpadilla i was so emotional while shading #49. mahal na mahal kita ROBIN PADILLA!!!!

“A reminder to all… paalala po paki check yung receipt bago niyo ihulog sa box kung tama ba ang pangalan na lumabas sa mga binoto niyo. Praise God yung sakin tama. Very important to check.”

Proud ding ipinagmalaki ng first time voter na si Francine ang pakikiisa niya sa pagboto. “Ang awit para sa’ting bayan, awitin natin ngayon.

Kung ano man ang maging desisyon at gawin natin ngayon ay ang hinaharap ng kinabukasan.

“Tayong kabataan ang pag-asa ng bayan, pumili tayo ng leader na may malasakit sa lahat ng pilipino, yung may pagmamahal sa bawat tao, hindi umaatras sa anumang laban, hindi sa una lang magaling, may pagmamahal sa bayan.

“Sa gobyernong tapat makakapasok sa iskul lahat. Ngayon na ang ating panahon. Ipanalo natin ‘to.”

Emosyonal naman si Jodi matapos bumoto. Aniya sa post sa kanyang Instagram account, “Felt so emotional kanina while filling out my ballot. Nag-ingat ng husto sa pagmarka dahil baka hindi mabasa ng machine,” simulang pahayag ni Jodi sa kanyang caption.

“Nu’ng nabasa na ng machine, lumabas ang resibo, napasobra ang lagay ng ink sa daliri ko halos napaiyak ako (dahil mahapdi rin siguro dahil sa kakakutkot ko ng index finger ko bago bumoto Election anxiety perhaps?).

“Proud ako kasi alam ko tumindig ako. Vote wisely, Pilipinas! Sa boto mo nakasalalay ang kinabukasan mo.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …