Saturday , November 16 2024

Melanie naaawa sa anak ni Loren—You don’t disown, no matter how bad the mother is

I feel so sorry for that person because he is not matured enough to accept and respect the decision of the mother.” Ito ang tinuran ng dating beauty queen at ngayo’y LBP party list (4th) nominee na si Melanie Marquez ukol ng pagtatakwil kay senatoriable Loren Legarda ng  kanyang anak na si Lorenzo Leviste.

Ang pagmamahal, nagsisimula sa respeto. Kapag hindi mo inirespeto ang sarili mo, hindi ka marunong rumespeto ng kapwa mo.

“So I think the person negative there is the person who disowned the mother who actually bore him and took good care of him growing up. Siguro nga lang, sabi ko nga, may kanya-kanya tayong choices sa buhay. Pwede nating turuan ang anak natin ng mabuti ngunit ang kanyang pinili ay iba sa hindi mabuti sa ating paningin pero sa kanya mabuti. Hayaan natin siya hanggang sa matuto siya.

“One day, he will learn and he will realize or she, whoever she is or he, the mistake that they made kasi younger version sila, eh. Pero ang mother, you don’t disown, no matter how bad the mother is.

“I love my parents so much, I’m not a favorite, I’m a battered child growing up, but, you know, I only have one mom, eh. I only have one dad. My dad never supported me but I love him,” sambit pa ng isa ring inang  si Melanie kahapon sa isinagawang media conference.

Ang mga nanay, nagkakamali but down deep inside them, that’s the best that they can give. So we just have to respect that,” paliwanag pa ng kapatid ni Joey Marquez.

Itinuturing na betrayal of trust ang pagtatakwil ng anak sa ina.  “I call that betrayal of trust. Kung anak mo tapos inano ka, dinisown ka, betrayal of trust ‘yun.

“Kung ako? Eh, ‘di, amen sa kanya. Amen sa kanya kasi if that makes her happy, makes him happy, who am I to stop that? He has his own mentality. One day, he will realize that what he has made is wrong. Kasi ang bata ’pag immature pa, inexperienced sa buhay, may pride ’yan, eh, at ’yung pride na ’yon, ’yun ang nakasisira.”

Sa kabilang banda inamin ni Melanie na nasorpresa ang kanyang mga anak nang magdesisyon siyang maging partylist nominee.

Nais ituloy ni Melanie ang kanyang mga advocacy para sa alternative education at pagtulong sa mga batang may cleft palate, atbp. Kasama niya sa LBP na magsusulong ng kanilang adbokasiya sa peace and order, poverty alleviation, food security, environment protection, at health sina PBGen Crizaldo Nieves (ret), Edward Aguilar(EDJA), PBGen Conrado S Capa PNP (ret), at MGen Maximo G Caro AFP (ret).

Si Melanie kasi maganda, magaling na artista, may hatak sa masa. Naipakita rin niya ang kanyang kabutihang loob at kababaang loob. Marami siyang ginawang humanitarian missions, medical missions, mga pag-aalaga. Napakaraming advocacies niya na talaga namang magaganda. Makakapag-angat sa buhay at kalagayan ng buhay natin,” sambit ni MGen Caro nang matanong kung bakit nila napili si Melanie bilang 4th nominee ng kanilang LBP Partylist (170 sa balota).

Sa mundo naman ng health parang hindi ka pa ginagamot, gumagaling ka na eh. ‘Alam naman natin na kailang-kailangan ng ating mga kababayan ng kaagapay para malabanan ang pandemya. Naniniwala kami na malaki ang maitutulong ni Melanie sa aming partylist para ma-improve pa hindi lang sa usapin ng mga frontliners bagkus pati ang mas mga nangangailangan na taumbayan,” susog naman ni PBGen Nieves. (MVN)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …