Thursday , December 19 2024

De Vera ng CHED, inendorso si Legarda

Inihayag ni Commission on Higher Education (CHED) chairman J. Prospero “Popoy” De Vera III ang kanyang suporta sa kandidatura ni Antique representative Loren Legarda sa pagka-Senadora.

Sa kanyang Facebook page, ipinaliwanag ni De Vera kung bakit niya ineendorso si Legarda, na isang kampeon ng edukasyon noong siya’y nanungkulan bilang Senadora.

“Maraming hindi nakakaalam na bago pa maipasa ang RA 10931 (Universal Access to Quality Education Law), Si Senadora Loren, na namuno sa Senate Committee on Finance, ay nakapagsubi ng P8B sa CHED noong 2017 GAA para ang 800,000 na estudyante sa 112 na SUC ay hindi na kailangang magbayad ng tuition at misc fee,” sabi niya sa wikang Ingles.

“Noong naipasa ang RA10931 noong Agosto 3, 2017, nakipagtulungan siya kay House Committee on Appropriations Chair Karlo Nograles upang maghanap ng P40B upang maipatuapad ang batas noong 2018. The rest is history.”

Idinagdag ni De Vera na dahil sa tulong ni Legarda na maghagilap ng pondo para sa edukasyon, mahigit 1.6 milyong estudyante and nakakapag-aral ng walang binabayarang matrikula sa mahigit 200 na unibersidad, haban

De Vera also said that Legarda is a “champion of education,” because thanks to her push for more funds for education, over 1.6 million students go to school with free tuition in over 200 universities.

“Dahil sa mga kampeon ng edukasyon na gaya ni Loren Legarda, magagawa ito. Ibalik natin sa Senado ang isang Kampeon ng Edukasyon!” sabi ni De Vera.

Matapos ang mensahe ni De Vera, pinasalamatan ni Legarda ang CHED chairman sa kanyang pag-endorso.

“Sa paniniwala ko, edukasyon ang pinakamahusay na investment para maibsan ang kahirapan at makatulong sa pag-ahon ng ekonomiya. Bawat batang Pilipino ay may karapatang makapag-aral, makapagtapos, at mangarap para sa mas maginhawang kinabukasan,” sabi niya sa isang statement sa Facebook.

“Kaya kaisa ng ating education sector, asahan niyo pong patuloy kong ipaglalaban at isusulong ang karapatan ng mga kabataan para sa maayos at de-kalidad na edukasyon.”

Si Legarda ay isang tagapagtaguyod para sa kalikasan, karapatan ng kababaihan at kabataan, pagnenegosyo, at edukasyon. Noong kasagsagan ng pandemya, isinulong niya ang “One Tablet, One Student” bill na nakapagbigay ng tablet sa mga bata upang magamit sa kanilang pag-aaral.

Noong siya’y nakikipagdayalogo sa mga guro, pinangako rin ni Legarda na itaas ang suweldo ng mga ito kapag siya’y pinalad mahalal muli sa senado.

About hataw tabloid

Check Also

Cristine Reyes Marco Gumabao

Marco perfect boyfriend para kay Cristine

HINDI nakaligtas sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na umamin at mabuking ukol sa kanilang lovelife nang sumalang sila …

Sa Ilocos Sur: 4 tauhan ng kandidato patay sa pamamaril

NAPASLANG ang apat na tauhan ng isang kandidato matapos makipagbarilan sa kampo ng kalaban sa …

5 law violators silat sa Bulacan police

ISA-ISANG pinagdadakip ang limang katao na pawang gumawa ng mga paglabag sa batas sa inilatag …

TAUHAN NG 2 MAYOR BETS SA NUEVA ECIJA DINISARMAHAN (Gapangan sa kampanya nauwi sa barilan)

INARESTO at dinisarmahan ng mga awtoridad ang mga supporters ng magkatunggali sa pagka-alkalde ng General …

liquor ban

5 TOMADOR SWAK SA SELDA SA PASIG (Sa unang araw ng liquor ban)

NAGHIMAS ng rehas ang limang indibidwal sa lungsod ng Pasig na nahuling sumuway sa unang …