Sunday , December 22 2024

Alex Lopez no. 1 sa kabataang Manileño

050622 Hataw Frontpage

NANGUNGUNA si Atty. Alex Lopez sa isinigawang pre-election online survey ng Kabataang Bayanihan na tinawag na Juan Manila Rising: The Manila Mayoral Candidate nitong nakaraang 3 May0 2022.

Nakakuha si Atty. Alex ng 52% o 2,670 boto mula sa kabuang 5,163 lumahok sa naturang survey. Pumapangalawa si Vice Mayor Honey Lacuna na nakakuha ng 35.5%, sinundan ni Amado Bagatsing na may 5.6%.

Sinundan nitong araw ng Huwebes, 5 Mayo, ng isang Mayoral Forum kung saan nakapanayam si Atty. Alex Lopez ng student leaders mula sa iba’t ibang pamantasan sa Maynila.

Ang mga katanungan, hingil sa mga isyung nakapalibot sa mga kabataan at mag-aaral, kagaya ng traffic, youth programs, red-tagging, at iba pa.

Sa panayam, tinanong kung bakit pinili ni Atty. Alex Lopez ang house-to-house campaign kaysa ibang paraan ng pangangampanya. Mahalaga kay Atty. Alex na mahawakan ang mga tao upang maipadama niya ang kanyang puso at maipakita ang kanyang katapatan sa taongbayan.

Inimungkahi ni Atty. Lopez ang kahalagahan ng pagsasaayos ng ating pampublikong sasakyan. Sinabi niyang maganda ang isang pampublikong sasakyan kung ang mayayaman ang pipiliing sumakay dito.

Binigyan diin ni Lopez, hindi sapat ang pagbibigay ng training at kaalaman upang umasenso ang buhay ng isang tao. Kinakailangan din mabigyan ng mga sangkap o kagamitan upang magamit at magkaroon ng silbi ang kaalaman at mga natutuhang aral.

Sinang-ayunan ni Atty. Alex ang aktibismo kung saan binigyang diin na isa itong magandang senyales ng isang masigla at buhay na demokrasya. Tutol din si Lopez sa red-tagging dahil isang uri ito ng pangha-harass o panunupil. Pinapaboran niya ang karapatan ng mga mamamayan na mag-isip at magpahiwatig ng kanilang mga hinaing. 

Ang patuloy na pag-angat ni Atty. Alex, ay dala ng kanyang pagiging tapang at puso para sa iba’t ibang sektor.

Si Atty. Alex lang ang may komprehensibong plataporma para sa senior citizens, kabataan, kababaihan, LGBTQIA+, manininda, tricycle drivers at operators, mga kapatid na Muslim, at sa mga maralitang tagalungsod.

Tunay na makataong pagbabago ang hinahangad ni Atty. Lopez para sa Lungsod ng Maynila at mamamayan nito. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …