Magalak na pinasalamatan ng kandidata sa pagka-Senador at kongresista ng Antique na si Loren Legarda ang Iglesia Ni Cristo (INC) dahil isa siya sa mga inendorso ng kongregasyon sa pagka-Senador para sa nalalapit na Halalan.
Sa isang pahayag sa kanyang pahina sa Facebook, sinabi ni Legarda: “Ako po ay taos-pusong nagpasasalamat sa tiwala at suportang ibinigay sa akin ng Kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa pangunguna ni Ka Eduardo Manalo.
“Ang inyong pag-endorso ay aking lubos na pinapahalagahan, makakaasa po kayo sa de-kalidad na serbisyong aking patuloy na ibibigay sa sambayanang Pilipino.
“Maraming, maraming salamat po!”
Isa siya sa 12 indedorso ng maimpluwensyang sekta, na kilala sa kanilang bloc voting.
Ang iba pang inendorso ng INC ay sina:
● Guillermo Eleazar
● Robin Padilla
● Miguel Zubiri
● Joel Villanueva
● Win Gatchalian
● Chiz Escudero
● Mark Villar
● Alan Peter Cayetano
● Jojo Binay
● JV Ejercito
● Jinggoy Estrada
Nabuo raw ang listahan matapos kilatisin ng INC ang mga plataporma at kwalipikasyon ng mga kandidato.
Si Legarda ay madalas na sa tuktok ng mga survey ng Pulse Asia. Silang dalawa ni dating brodkaster Raffy Tulfo ang namayagpag sa pinakabagong Senatorial Preference Survey.
Kasalukuyang umiikot si Legarda, na-nanungkulan ng tatlong termino sa Senado at ngayu’y tinatapos ang kanyang termino bilang kongresista ng Antique, sa mga iba’t-ibang bayan ngayung mga huling araw ng kampanya.