PINANGUNAHAN nina Cong. John Rey Tiangco at Mayor Toby Tiangco ang blessing at inauguration ng isang multi-purpose building sa Kapitbahayan, Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas.
Ang pasilidad ay isa sa walong 3-story buildings na si Cong. Tiangco ang nag-lobby para sa pondo mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) .
“This building, and all other 3-story multi-purpose projects, features a wood-planked basketball court on the top floor, offices and meeting halls on the second floor, and parking spaces on the first floor,” ani Cong. Tiangco.
“We no longer have to search elsewhere for venues of various events or functions because our meeting halls and basketball court can accommodate them,” dagdag niya.
Nakatakdang tapusin ngayong taon ang mga multi-purpose buildings sa Phase 1-A, Phase 1-B, at Phase 1-C sa Brgy. NBBS Kaunlaran, Phase 2 Area 1, at Tumana sa Brgy. NBBS Dagat-Dagatan.
Ang construction para sa 3-story buildings sa Brgy. San Rafael Village at ang NavotaAs Homes 1-Tanza ay nagsisimula na rin.
Dumalo sa inagurasyon si Vice Mayor Clint Geronimo, miyembro ng konseho ng lungsod, mga opisyal ng barangay, at mga opisyal ng Kapitbahayan Homeowners Association.