Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KELOT, WANTED SA RAPE, NALAMBAT SA NAVOTAS

KALABOSO ang isang lalaking wanted sa kasong rape matapos masakote sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado si Michael Dalmacio alyas Pipi, 30 anyos, residente sa S. Roldan St., Brgy., Tangos South ng nasabing lungsod.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga tauhan ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ng impormasyon na nakita ang akusado sa kanilang lugar dahilan upang bumuo ng team para sa pag-aresto.

Dakong 10:35 am, agad nagsagawa ang mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 2, ng joint manhunt operation sa mga tauhan ng WSS at SS2 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Dalmacio sa kanyang bahay.

Ani P/SSgt. Renato Panganiban, Jr., dinakip si Dalmacio sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Cecilia B. Parallag, PresidingJudge, Regional Trial Court (RTC) Branch 9, Family Court, Navotas City sa kasong Rape.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Navotas Police ang naarestong akusado habang hinihintay ang issuance ng Commitment Order.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Richard Gomez Lino Cayetano Elijah Canlas

Richard Gomez pinuri ni direk Lino: he elevates everyone sa performance niya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “NAPAKAGALING ni Richard Gomez.” Ito ang tinuran ni direk Lino Cayetano nang makahuntahan namin …

Zela

Zela acting ang unang love 

I-FLEXni Jun Nardo AKTING ang unang gusto ng baguhang singer na si Zela. Eh nang masubukan …

Judy Ann Santos

Judy Ann naisalba ng mga ipong alahas

RATED Rni Rommel Gonzales NOONG mga panahong hindi pa siya sikat at hindi pa kumikita …

Cristine Reyes Marco Gumabao

Marco perfect boyfriend para kay Cristine

HINDI nakaligtas sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na umamin at mabuking ukol sa kanilang lovelife nang sumalang sila …

Sa Ilocos Sur: 4 tauhan ng kandidato patay sa pamamaril

NAPASLANG ang apat na tauhan ng isang kandidato matapos makipagbarilan sa kampo ng kalaban sa …