RATED R
ni Rommel Gonzales
KAHIT tapos na ang Prima Donnas , tuloy ang pagmomo-monitor ni direk Gina Alajar sa kanyang mga “anak.”
“Of course, yes! Oo tuloy ang pagmo-monitor ko sa kanila. They know that.”
May mensahe si direk Gina sa kanyang mga “anak” na kinabibilangan nina Jillian Ward, Will Ashley, Althea Ablan, Bruce Roeland, Sofia Pablo, Allen Ansay, Vince Crisostomo, at Elijah Alejo.
“In general na lang siguro. Basta never stop learning. Never say to yourself na, ‘Okay na ako rito, kampante na ako rito, alam ko na ito.’
“Lagi ‘yan, acting is 24/7, 24/7 education ‘yan. You never stop learning. You never rest on your laurels, you never get tired of learning. Kung gusto n’yong (magtagal) dito pa.
“Kung gusto n’yong tumagal sa business na ito. And most of all ‘yung ngayon sa tingin ko, ngayon secondary ang may talent, number one is dapat mahusay ang pakikisama mo sa lahat.
“Dapat alam mo kung paano… you must be concerned about other people, not only yourself. Hindi ikaw ang laging sentro ng atensyon.
“Hindi ikaw, it’s not all about you. They should remember that.
“It should be about people, it should be knowing kung ano ‘yung needs or knowing kung paano tumatakbo ‘yung whole production.
“Na kung paano ka makaka-contribute para mapagaan ang production. Hindi ‘yung paano ka aasikasuhin ng production.
“Para lang maging komportable ka. It’s the other way around.
“And siguro kapag natutunan nila ‘yan, kapag na-balance nila ang dalawang ‘yan people will love them and that’s it!
“I mean you will go a long way. Pero kung ngayon pa lang pasaway ka na and pabigat ka na sa production, I tell you, people talk, you know.
“People talk, madaling kumalat ang mga bali-balita.
“And I hope walang magkaganoon sa mga bata.
“Disiplinado naman ang mga ‘yan, eh. Dapat alam din nila sa sarili nila kung kailan sila nag-o-overboard, you know,” mahabang paliwanag ni Direk Gina.