Sunday , December 22 2024
Guillermo Eleazar Ilocos

Ilocanos naghayag ng suporta kay Eleazar

BINISITA ni dating PNP chief at senatorial candidate General Guillermo Lorenzo Eleazar ang Ilocos Norte at Ilocos Sur nitong Miyerkoles, 27 Abril, at mainit na tinanggap ng mga residente.

Unang tumulak si Eleazar sa Pagudpud, Ilocos Norte kung saan siya nagsagawa ng motorcade, at sinundan ito ng pagbisita sa palengke sa Bangui.

Matapos makausap ang mga vendor at mamimili, nagtungo si Eleazar sa Laoag City, Ilocos Norte kung saan siya muling nagsagawa ng motorcade, bago nag-street campaign sa Cabugao, Ilocos Sur.

“Ako po si General Eleazar at hinihingi ko po ang inyong pagtitiwala. Ako po ay nagsilbi sa serbisyo ng apat na dekada bilang sundalo at pulis. Ako po ay nanindigan sa tama dahil ang aking panuntunan, ang tama ay tama at ang mali ay mali kaya pinaninindigan natin at ipinaglalaban ang tama. Naniniwala ako na kaisa ko kayo sa damdaming iyan,” aniya.

“Kaya po sa paghingi ko ng inyong suporta, hayaan niyo po na dalhin ko sa Senado ang inyong pagtitiwala at ang akin pong 38 years na paglilingkod – ang matapang, masipag, matapat, at maaasahang serbisyo na aking ipinakita – iyan po ang iginagarantiya ko na dadalhin ko sa Senado dahil ipaglalaban ko ang araw-araw na laban ninyo,” ani Eleazar.

Matapos mangampanya sa Southern Luzon noong nakaraang linggo, sa Northern Luzon naman ginugol ni Eleazar ang panahon para maipaabot sa nakararami ang kanyang plataporma.

Una nang naglibot ang Partido Reporma candidate sa Cagayan, Isabela, at Zambales.

“Naniniwala ako na ang pagpunta natin sa grassroots ang susi para madinig natin ang hinaing ng ating mga kababayan. Noon pa man ay ito na ang aking ginagawa bilang hepe ng PNP – direkta at tao-sa-taong pakikipag-usap para masolusyonan ang mga problema. Ito ang tatak ng serbisyo na dadalhin ko sa Senado,” ani Eleazar.

“Hayaan n’yo po na ang aking paglilingkod ay ialay ko sa ating bayan pati na rin po dito sa Ilocos,” anang retired police general.

Malaking bahagi ng 23-point legislative agenda ni Eleazar ang pagpapabuti sa peace and order at seguridad, na kanyang pinaniniwalaang susi sa pag-unlad.

Oras aniya na mawakasan ang mga banta at pangha-harass ng mga terorista, rebelde, at iba pang masasamang elemento’y tiyak na lalago ang mga negosyo kahit sa mga liblib na lugar.

Nais din ni Eleazar na palakasin ang public health and safety sa gitna ng COVID-19 pandemic, at bigyang katiyakan ang bawat pamilya na may makukuhang trabaho’t pagkain.

Kasama rin sa plataporma ni Eleazar ang pagpapalakas sa kakayahan ng kabataan na pinaniniwalaan niyang magsusulong sa katotohanan, pag-unlad, at kinabukasan ng Filipinas. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …