Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darren Espanto Calista

Calista nakasabay kay Darren Espanto

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ANG galing palang mag-perform ni Darren Espanto. First time kong napanood ng live si Darren sa Vax to Normal concert ng Calista kamakailan na isinagawa sa Big Dome at talagang nag-enjoy kami sa panonood sa kanya gayundin sa naggagandahang

all-girl P-Pop group. 

Bonggang-bongga ang kanilang performances at production numbers kay Darren gayundin sa iba pang guests nilang sina Yeng Constantino, Andrea Brillantes, Elmo Magalona, AC Bonifacio, at Ken San Jose. 

Kung gaano kahusay si Darren kumanta hindi nagpahuli ang Calista gayundin sa pagsayaw. Talagang nakatulong sa grupo ang isang taon nilang training para makipagsabayan sa mga kilala at magagaling na performers.

Samantala, thankful ang Calista sa mga nakasama nila sa kanilang concert. At sa bawat artists na nakasama nila sa stage pinuri at hinangaan ang kanilang galing, talento, dedikasyon, at passion. Kaya naman binabati namin ang Calista na binubuo nina Anne, Olive, Laiza, Denise, Elle, at Dain dahil naitawid nila ang kauna-unahan nilang concert na bagamat baguhan ay bonggang-bongga at dinagsa ng kanilang fans ang concert.

Aminado ang anim na nakaramdam sila ng pressure at kaba dahil mga sikat na artists ang nakasama nila.  

Anila, “Medyo nakaka-pressure kasi siyempre bigatin ‘yung mga nakasabay naming artista eh. Tapos dito pa sa Araneta kaya grabe ‘yung pressure na naramdaman namin. Pero noong nasa stage na kami parang nawala ‘yung pressure kasi na-excite kami at sobrang saya to perform with them.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …