Wednesday , May 14 2025
Nagpakilalang miyembro ng NPA LALAKING TITSER ‘NASAKOTE’ SA PANGINGIKIL

Nagpakilalang miyembro ng NPA
LALAKING TITSER ‘NASAKOTE’ SA PANGINGIKIL

NASAKOTE ng mga operatiba ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director P/MGen. Eliseo DC Cruz ang isang 26-anyos lalaking guro, nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pangingikil sa ilang paaralan sa NCR kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Jake Dedumo Castro residente sa Brgy. Zapote, Las Piñas City makaraang malambat sa entrapment operation sa nasabing lugar.

Alinsunod sa programa ni  CIDG Director P/MGen. Cruz, pinangunahan ng CIDG-NCR sa pamamagitan ng kanilang flagship program na Project OLEA – Oplan Salikop, ang operasyon laban sa suspek, katuwang ang iba pang Intelligence Unit sa NCR.

Ayon sa ulat ng CIDG, modus ng suspek na magpadala ng mensahe gamit ang gmail account na newpeoplesarmy1969@gmail.com  sa ilang private schools at nagpapakilalang miyembro ng NPA-Special Tactical Force, upang mangikil ng halagang P2 milyon sa principal ng paaralan kapalit ang pananakot na aatakehin ang eskwelahan kapag hindi nakiisa at nagbigay ng kanilang hinihinging halaga.

Dahil dito, dumulog sa pulisya ang pamunuan ng hindi pinangalanang private school at agad naglatag ng operasyon na nagresulta  sa pagkakasakote sa suspek.

Nasamsam sa suspek ang iba’t ibang gadgets na gamit sa transaksiyon, 12 guage ammunition, caliber revolver at isang motorsiklong Honda XRM, may plakang OY9956.

Nabatid sa CIDG, mahigit 30 private schools sa Taguig, Parañaque, Pasay, Muntunlupa, Makati, Mandaluyong, Pasig, at Quezon city ang nakaranas ng  pananakot mula sa modus ng suspek.

Tukoy na ng CIDG ang kasabwat ng suspek at kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

Samantala, nagpaalala si P/MGen. Cruz sa mga pribadong paaralan sa bansa na patuloy na makiisa at magtiwala sa pulisya. Huwag magpatakot sa sinomang grupo at agad na dumulog sa tanggapan ng CIDG sa oras na makaranas ng kahalintulad na ‘modus.’

“This only proves that our elements on the ground are dedicated to give actions sa anomang ilapit ng ating mga kababayan. Hindi biro na ang isang sibilyan ay makatanggap ng pananakot but please don’t hesitate na dumulog sa ating CIDG Field Units para agad kayong matulungan sa abot ng aming makakaya  para masugpo ang anomang modus at makapagbigay ng tamang hustisya,” ani P/MGen. Cruz.

Patuloy sa pagsasagawa ng intelligence operation ang CIDG upang matuldukan ang modus ng grupo. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …