Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iza Calzado Leni Robredo

Iza kay VP Leni — Tunay na lider, maaasahan may kalamidad man o wala


PINURI  ni Iza Calzado si Vice President Leni Robredo dahil lagi itong naririyan para sa mga Filipino lalo na sa panahon ng krisis.

Ayon kay Iza, dapat piliin ng mga Filipino sa darating na halalan sa Mayo ang lider na gaya ni VP Leni kaysa iba na palaging wala tuwing may kalamidad.

Anang aktres na siyang gaganap na unang Darna sa nalalapit na Darna series, “Kanino ba dapat ipasa ang bato? Sana sa isang taong nagpapakita at nararamdaman, eleksiyon man o hindi. Hanggang sa pinakamalayong kanayunan. Hindi kailangang maging isang superhero, pero sana ‘yung kasama natin sa kahit na anong krisis sa buhay.” 

Bilang isang Bicolana gaya ni VP Leni, iginiit ni Iza na sanay na silang tamaan ng mga bagyo kada taon ngunit nananatili silang matibay, salamat sa mga lider na handang magbigay ng agarang tulong.

Alam niyo ang sikreto ng aming pagiging matibay? Ang pagboto namin sa mga opisyal na mabilis sumaklolo, ‘yung laging may handang plano, at kasama namin sa kahit na anong delubyo,” sambit pa ni Iza.

Idinagdag pa ni Iza na ang totoong lider ay may mabuting puso at dapat magsilbing inspirasyon sa iba na magkaisa at tumulong sa mga taong nangangailangan.

Nagiging inspirasyon siya para totoong lumabas ang pagkakaisa at kabutihan ng mga tao. Nagiging lakas siya para sabay-sabay tayo na hindi lang bumangon, kundi kumilos at tumulong,” wika pa ni Iza.

“‘Yan ang Pilipinas na pangarap ko. ‘Yan ang Pilipinas na masarap mahalin! At alam n’yo naman, in love, there is no fear,” dagdag pa niya.

Sa lahat ng mga kandidato bilang pangulo, sinabi ni Iza na si VP Leni lang ang nagpamalas ng pagmamahal sa bansa at sa mga Filipino, hindi lang sa salita kundi maging sa gawa.

Sa lahat ng tumatakbo, walang nagmamahal sa Filipino gata ng pagmamahal ni Leni Robreso. Si Leni Robredo ang presidente ko,” pagmamalaki pa ni Iza.


Sumama kamakailan si Iza sa campaign rally nina VP Leni sa Davao del Sur na personal niyang nakausap ang Bise Presidente. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …