Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christine Bermas

Christine Bermas emotional nang ibalitang ire-remake ang Scorpio Nights

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SI Direk Joel Lamangan ang nag-announce sa story conference ng bagong pagbibidahang pelikula ni Sean de Guzman, ang Fall Guy noong Linggo ng gabi ang ukol sa pagbibida ni Christine Bermas sa Scorpio Nights 3.

Nagulat kami sa announcement ni Direk Joel dahil ang alam namin, si AJ Raval ang magbibida rito sa sex-drama-suspense movie.

Ani Christine, hindi issue sa kanya kung second choice siya sa pelikulang ididirehe ni Lawrence Fajardo.

Aware po ako na ibinigay ‘yung project kay AJ Raval. Aware po ako,” anito nang makausap namin after ng story conference.

Nasabi rin ni Christine na alam niya kung gaano ka-bold ang Scorpio Nights na unang pinagbidahan ni Anna Marie Gutierrez noong 1985 at nasundan noong 1999 ni Joyce Jimenez

Aminado si Christine na may pressure sa kanya ang  pag-remake ng Scorpio Nights. “Noong day pa lang na in-offer siya sa akin, pressured na pressured na ako!,” pag-amin nito pero natuwa raw siya. “Natuwa po ako, and honestly, medyo naging emotional. Sobrang thankful po ako na napunta sa akin ang project na ito.”

Napanood na ni Christine ang Scorpio Nights na ginawa nina Anna Marie at Joyce at aminado siyang kakaiba ang pelikulang gagawin niya. “Sobrang… sobrang parang… kakaiba siya. Grabe!

At dahil sobrang bold ang Scorpio Nights, natanong ang dalaga kung wala bang magagalit o magbabawal  na gawin ang mga maiinit na sex scenes dito?

“Ako, lahat kaya kong gawin. Lahat ng kailangang gawin sa movie, kaya ko,” giit ni Christine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maricar Aragon

Benefit concert ni Maricar Aragon matagumpay

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang kaatatapos na benefit concert ng singer na si Maricar Aragon, ang Me …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley napakahusay sa Bar Boys: After School 

MATABILni John Fontanilla ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …