Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval

AJ Raval ayaw nang magpa-sexy, tinanggihan ang Scorpio Nights 3

INAMIN ni AJ Raval na tinanggihan niyang gawin ang Scorpio Nights 3. Si AJ ang first choice ng Viva Filmspara i-remake ang pelikulang pinagbidahan nina Anna Marie Gutierrez noong 1985 at ni Joyce Jimenez noong 1999. 

Sa digital media conference ng Kaliwaan kahapon sa bagong pelikula ni AJ sa Viva na mapapanood sa April 29 sa Vivamax, inamin nitong tinanggihan nga niya ang Scorpio Nights dahil gusto na niyang gumawa ng may katuturang pelikula. Ibig sabihin, kung maghuhubad siya iyon ay may katuturan. 

Aniya, “Kung nagawa po siya ng earlier, like this month, siguro sa akin pa rin po siya.

“Magagawa ko pa rin siya pero parang may goal ako this year, like kunwari po, June po, pasukan. Plan ko po is mag-enroll ako this year.

“Parang magla-lie low muna ako sa pagpapa-sexy. Mag-aaral din muna ako.”

Sinabi pa ni Aj na, “Nagbabawas na rin ako sa pagpapa-sexy. Napag-usapan na rin po namin ito ng manager ko, ng Viva actually. 

“Gusto ko talaga mg-action. Gusto ko rin po makuha ‘yung dream ko na mag-action,” paliwanag pa ng dalaga ni Jeric Raval.

Sa kabilang banda, tiniyak ni AJ na hindi ang Kaliwaan ang huling sexy movie niya.

Magpapa-sexy pa rin ako, pero for now  parang magpapahinga muna ako sa pagpapa-sexy.

“Gusto ko ring magpaganda ng katawan. Gusto ko mag-work out para lalo akong maging confident sa pagpapa-sexy,” giit pa ni AJ.

Samantala, ang  Kaliwaan ay ididirehe ni Daniel Palacio at produced by internationally acclaimed at multi award-winning director na si Brillante Mendoza.  Kasama rito ni AJ sina Vince Rillon, Mark Anthony Fernandez, Denise Esteban, Felix Rocco, at Juami Gutierrez. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maricar Aragon

Benefit concert ni Maricar Aragon matagumpay

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang kaatatapos na benefit concert ng singer na si Maricar Aragon, ang Me …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley napakahusay sa Bar Boys: After School 

MATABILni John Fontanilla ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …