Sunday , December 22 2024
Leni Robredo Piolo Pascual

Piolo kay VP Leni Robredo — Siya lang ang tanging iboboto kong pangulo 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGPAHAYAG ng suporta ang award-winning actor na si Piolo Pascual kay Vice President Leni Robredo dahil nasa kanya ang tunay na mukha ng pagkakaisa at ang natatanging kandidato na makakapagbuklod sa ating bansa.

Idinaan ni Piolo sa isang video message ang pagsuporta kay Leni. Anito, si VP Leni lamang ang tanging kandidato na nakapagbigay ng inspirasyon sa mga Filipino na magsama-sama at magtulungan para sa ikabubuti ng lahat, at ang tanging nagbigay pag-asa para sa mas magandang bukas ng Pilipinas.

Ang totoong pagkakaisa ay isang pangako na walang maiiwan, lahat tayo magkakasabay na humahakbang para sa pangarap na lipunan,” sambit ni Piolo.

“At ang totoong pagkakaisa ay inspirasyon at panawagan na tayong lahat ay gumawa ng kabutihan,” dagdag niya at iginiit na ang mga Filipino ay magiging buo ang suporta sa ganitong klase ng pagkakaisa.

 “Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taumbayan. Filipino para sa kapwa Filipino. Iisa lang ang taong nagpakita at nakapagparamdam niyan sa atin sa loob ng napakaraming taon. Si Leni Robredo lang.

“At si Leni Robredo lang ang tanging iboboto kong pangulo ngayong eleksiyon,” giit ng aktor. 

Sinabi pa ni Piolo na binigyang inispirasyon ni Robredo ang Filipino na magbayanihan lalo na noong panahon ng pandemya.

“Parang noong simula ng pandemya at nagkakanda-ubusan ng PPE sets para sa ating mga frontliner, mga nagkakaisang Filipino ang nag-ambagan para mabilis na maaksiyonan ang kakulangan.

“Sa punto ng buhay at kamatayan, ang pagkakaisa natin ang nagbigay ng tatag at pag-asa, kaya marami tayong nagagawa. Hindi para sa sarili, kundi para sa kapwa. Ganito ang itsura ng totoong unity,” dagdag pa ni Piolo.

“Mga magsasakang naglalakad para makarating sa venue. Mga volunteer na gumagastos ng sariling pera para mangampanya. Mga nanay na kasama ang mga anak nila sa laban,” anang aktor.

Kamakailan, humigit 220,000 tagasuporta at volunteers ni VP Leni ang nagtipon-tipon sa San Fernando Pampanga, na tinatayang pinakamaraming attendees nang magsimula ang kampanya.

Nakapokus ang Oplan Angat Agad ni VP Leni sa trabaho, kalusugan, at edukasyon.

Nais ni VP Leni na matiyak na ang bawat pamilyang Filipino ay may miyembrong nagtratrabaho at sumasahod. Sisiguraduhin din niya na ang mga mawawalan ng trabaho ay makakukuha na tatlong-buwang ayuda habang naghahanap ng kapalit na trabaho.

Sinabi pa ng bise presidente na bawat pamilya ay mayroong mapupuntahang libreng doktor, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan at makapagbigay ng libre at de-kalidad na edukasyon para matupad ang pangarap ng lahat.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …