TINANGGAP ng Cebu Pacific ang pagdating ng ika-10 bagong A321neo (New Engine Option) mula sa Hamburg facility ng Airbus nitong Martes, 12 Abril, kaugnay ng kanilang sustainability at environmental-friendly initiative na tiyak na mas makapagpapalakas ng kanilang operasyon.
Ang pinakabagong A321neo ng Cebu Pacific, ang kanilang pang-18 eco-plane, ay kilala sa 20% pagtaas ng fuel-efficiency, bukod sa halos 50% pagbaba ng noise footprint kompara sa unang mga henerasyon ng mga eroplano.
Idinagdag ang bagong A321neo sa fleet ng Cebu Pacific na kabilang ang A330neo, tinaguriang ‘greenest aircraft in Asia’ dahil sa 459-seat availability nito na kayang magbiyahe ng higit na mas maraming pasahero sa isang biyahe na nagreresulta sa pinakamababang carbon footprint per passenger per kilometer.
“Our shift to the more fuel-efficient NEO engine aircraft not only supports our sustainability strategy, but also enables us to continue offering our trademark low fares for everyJuan,” pahayag ni Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.
“The arrival is timely because we see positive developments indicating recovery. We are continuously ramping up our domestic network and are preparing for more international destinations to ease restrictions for leisure travelers,” dagdag niya.
Makikita sa cabin ng eroplano ang makabago at lightweight ergonomic seats na gawa ang Recaro, may mga detalyeng dilaw at sky-blue details, na kumakatawan sa pinagmulan ng airline, ang lalawigan ng Cebu.
Bawat isang upuan ay mayroong A/C compatible USB port kaya maaaring mag-charge ng kanilang mga gadget ang mga pasahero habang nasa biyahe.
Sa kasalukuyan, binubuo ang fleet ng Cebu Pacific ng 22 A320ceo, anim na A320neo, pitong A321ceo, 10 A321neo, anim na A330ceo, dalawang A330neo, 14 ATR 72-600, anim na ATR 72-500, at dalawang ATR Freighters.
Nakatakdang magamit ng Cebu Pacific ang bagong A321neo aircraft ngayong buwan sa mga local nitong biyahe sa pinakamalawak na domestic network na may 34 destinasyon. (KARLA OROZCO)