Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Trina Candaza

Carlo at Trina nagkasundo para sa co-parenting ng anak

HATAWAN
ni Ed de Leon

EWAN nga ba pero hindi maliwanag sa amin ang kuwento ha. Ang natatandaan namin, split na iyang sina Carlo Aquino at Trina Candaza, kaya nga sinasabing binalikan niya noon ang dati niyang syotang si Angelica Panganiban. Tapos nagkaroon ng panibagong issue, buntis na pala si Trina, at si Carlo ang tatay kaya nagkasundo sila ulit na magsama.

Pero ewan nga ba kung bakit, sa kabila ng katotohanang mayroon na silang anak, hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama, at nito lamang Enero umalis sa kanilang bahay si Trina kasama ang anak nilang babae, at hindi kasama si Carlo. Ibig sabihin, hiwalay na ulit ang actor sa kanyang live-in partner.

May mga fan na nanghihinayang sa kanilang relasyon at sinabi nga kay Trina na, “sana magkabalikan kayo ulit.” Pero sinabi ni Trina na malabo nang magkaroon ng reconciliation, lalo na’t may mga tao sa paligid ni Carlo na ayaw talaga sa kanya. Pero hindi niya sinabi kung sino nga ang ayaw sa kanya.

Sa parte naman ni Carlo, inamin din niyang tapos na nga ang relasyon nila ni Trina, pero madalas pa rin silang mag-usap dahil sa co-parenting agreement sa anak nilang si Mithi. Inamin din naman ni Carlo na nahihiram niya ang kanilang anak kay Trina, pero sinabi niyang mas ok na tumigil kay Trina ang kanyang anak dahil mas maaasikaso iyon at mapag-iingatan doon lalo na at uso pa ang Covid.

Sa aming palagay, mabuti na iyang nagkasundo sila sa isang co-parenting agreement at hindi na nagtalo. Kasi sa ganoong sitwasyon ang mas apektado ay iyong bata ganoong hindi naman kasali iyon sa problema nilang dalawa. Kung ano man ang hindi nila mapagkasunduan problema na nila iyon. Hindi na dapat na madamay ang kanilang anak sa hindi nila pagkakasundo.

Siguro nga tama rin naman si Trina na magkanya-kanyang buhay na sila ni Carlo. Bakit nga ba ipagpipilitan pa ang pagsasamang malabo na talaga? Hindi naman iyan ang una nilang paghihiwalay.

Kung hindi pa rin nga sila nagkasundo sa kabila ng pagkakaroon ng anak, malabo na talaga iyan at mas mahihirapan lang sila kung magsasama pa at madadagdagan pa ang kanilang anak at tapos maghihiwalay din.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …