Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marcus Madrigal

Marcus Madrigal nalilinya sa kontrabida

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKAUSAP namin si Marcus Madrigal. Ayon sa gwapo pa ring aktor, may natapos siyang pelikula. ito ay ang Z Love mula sa AQ Entertainment. Kontrabida ang role niya rito. 

Okey lang naman sa kanya na nalilinya siya ngayon sa ganoong klase ng role.

Siyempre kapag artista ka, kahit paano,  kailangang gawin mo lahat. Kasi siyempre, mahirap mag-stick ka lang sa isang genre,” sabi ni Marcus.

Natutuwa rin si Marcus na sa kabila ng pandemya, ay may mga project na dumarating sa kanya. Bukod sa Z Love, abala rin siya sa taping ng Primadonnas Book 2.

So far, so good, awa ng Diyos, surviving pa rin in this time of pandemic.”

Pero aminado naman ang aktor na naapektuhan din siya ng pandemic.

Apektado ako before financally. Unang-una, tigil lahat, walang work. Hindi lang naman ako. I have a friends from hotel industry.  Friend ko na isang piloto, apektado rin. And ‘yun! Sabi nga nila, mahirap talagang subukan ang Diyos, ‘di ba?”

Samantala, inamin ni Marcus na during his younger days ay marami siyang pinagdaanan. Nambabae siya at nasubukan na rin niyang gumamit ng marijuana. Pero hindi naman siya na-hook dito.

“Ayokong maging iporkrito. Siyempre kabataan, maraming tukso talaga riyan.  Kasi it’s part of growing up, eh.  At saka nandoon ‘yung curiosity.

“Number 1, artista ka. May mga times na gusto kong malaman kung paano ko ipo-portray ‘yung ganoong role, kaya gusto kong ma-experience. Kaya you need to experiment yourself,” paliwanag pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …