Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Energy saving tips ni Imee ibabahagi: Mga tanong kumurot sa puso

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ALAMIN at makisaya sa isang never-before-seen side ni Senator Imee Marcos ngayong weekend sa dalawang brand-new episodes ng kanyang pinag-uusapang lifestyle and entertainment Vlogs na streaming sa kanyang official YouTube channel na padami na nang padami ang mga loyal subscribers na nagyon ay nasa daang libo na  mula noong Enero 2022.

Sa Good Friday, Abril 15, tatalakayin ng certified Dakilang Ilokana ang tumataas na presyo ng koryente at iba pang buwanang utility expenses habang ibinabahagi ang kanyang tested energy saving tips – mula paggamit ng natural lighting hanggang sa ever reliable na electric fan, at pati na rin ang pagligo ng mayroong strict time limit kasama ang isang espesyal na bath companion.

Sa isa pang episode na naka-schedule na i-upload sa Black Saturday, Abril 16, nakipagtagisan ng talion si Imee sa It’s Showtime’s Ms. Q&A first season grand winner na si Juliana Parizcova-Segovia sa ilang nakaloloka at kakaibang mga tanong. 

Ngunit ang kasiyahan ng kanilang Ms. Q&A ay nagkaroon ng ‘di inaasahang emotional turn matapos sagutin ni Imee ng seryoso ang dalawang personal na mga katanungan na ikinagulat ‘di lamang ni Juliana ngunit pati na rin ng buong production. 

Medyo nakurot ang puso ko,” sabi ni Imee. “Alam niyo naman ako, walang inuurungan. Kilala ako bilang matapang at palaban. Pero iba ang dating sa akin niyong mga question. Tinamaan talaga ako kaya naman I answered the questions as sincerely as I could.” 

Ano ang mga energy-saving secrets ni Imee at ano ang mga katanungan na kumurot sa kanyang puso? Alamin ngayong weekend at mag-subscribe sa  https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …