Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mangingisda huli sa baril at shabu

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang mangingisda na nakuhaan ng baril at shabu nang sitahin ng mga pulis dahil walang suot na damit habang naglalakad sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas City police chief, Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Angelito Jaime alyas Guko, 20 anyos, (user/listed) ng B. Cruz St., Brgy. Tangos North.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 1:00 am, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 2 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Genere Sanchez nang maispatan nila ang suspek na walang damit habang naglalakad sa A. Cruz St., Brgy. Tangos South.

Nang lapitan ng mga pulis, nakita nila ang isang improvised gun na nakasukbit sa bewang ng suspek dahilan upang arestohin ng mga parak.

Nakuha sa suspek ang improvised gun na may isang bala at isang transparent plastic sachet na naglalaman ng tinatayang nasa P2,040 halaga ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines.

(𝙍𝙊𝙈𝙈𝙀𝙇 𝙎𝘼𝙇𝙀𝙎)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez Lino Cayetano Elijah Canlas

Richard Gomez pinuri ni direk Lino: he elevates everyone sa performance niya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “NAPAKAGALING ni Richard Gomez.” Ito ang tinuran ni direk Lino Cayetano nang makahuntahan namin …

Zela

Zela acting ang unang love 

I-FLEXni Jun Nardo AKTING ang unang gusto ng baguhang singer na si Zela. Eh nang masubukan …

Judy Ann Santos

Judy Ann naisalba ng mga ipong alahas

RATED Rni Rommel Gonzales NOONG mga panahong hindi pa siya sikat at hindi pa kumikita …

Cristine Reyes Marco Gumabao

Marco perfect boyfriend para kay Cristine

HINDI nakaligtas sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na umamin at mabuking ukol sa kanilang lovelife nang sumalang sila …

Sa Ilocos Sur: 4 tauhan ng kandidato patay sa pamamaril

NAPASLANG ang apat na tauhan ng isang kandidato matapos makipagbarilan sa kampo ng kalaban sa …