CARMEN, Davao del Sur – Wala, umanong, epekto ang endorsement ni Davao del Sur Rep. Pantaleon Alvarez sa kandidatura ng dating Senador Ferdinand Marcos, Jr.
Ayon kay dating Davao del Norte Gov. Anthony del Rosario, hindi na magbabago ang suporta kay Marcos.
“I don’t think anything will change. BBM will still win as president. Wala diperensiya po ‘yun,” ani Del Rosario, ang tagapagsalita ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP).
Nang tanungin tungkol sa kumalawak na tambalang Vice president Leni Robredo at Mayor Sara Duterte, ang sagot ni del Rosario: “Basta kami BBM Sara kami.”
“Whatever happens BBM-Sara kami. Hanggang matapos yung eleksiyon, BBM-Sara kami. Nagpapasalamat kami siyempre na ‘yung ibang tumatakbong presidente, dinadala si Mayor Sara, but as far as Lakas, HNP is concerned, we are BBM-Sara,” ani del Rosario.
Aniya naguluhan siya sa paglipat ni Alvarez kay Robredo. Si Alvarez, Presidente ng Partido Reporma, bumitiw sa pagsuporta sa kandidatura ni Senador Ping Lacson na tumatakbo sa pagka presidente.
“Ang hindi ko lang maintindihan sa kanya bakit niya iniwang ‘yung kanyang kandidato pagka-presidente na si Ping Lacson. I cannot understand why he did that,” ani del Rosario .