Sunday , December 22 2024

Huling birthday sa laya i-enjoy – CPP-NPA
DUTERTE ‘TARGET’ ISALANG SA ‘KANGAROO COURT’

032922 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

HINDI lang sa International Criminal Court (ICC) dapat matakot si Pangulong Rodrigo Duterte pagbaba sa poder dahil ipaaaresto at lilitisin din siya sa ‘special revolutionary people’s court ng Communist Party of the Philippines (CPP) dahil sa libo-libong kataong pinatay sa isinusulong na drug war at counterinsurgency operations ng kanyang rehimen.

Inihayag sa kalatas ng CPP, dapat mag-enjoy si Duterte sa pagdiriwang ng kanyang huling kaarawan kahapon sa labas ng bilangguan. 

“In a few months, as soon as he steps down from his official term as Philippine President, the Filipino people will without a doubt demand that he be prosecuted for the countless crimes against humanity,” ayon kay CPP Chief Information Officer Marco Valbuena.

Anoman aniya ang magiging resulta ng halalan sa Mayo, tiyak na isusulong ng mga mamamayan na panagutin si Duterte, kagyat na arestohin at iharap sa ICC at mga lokal na hukuman na puwede siyang kasuhan.

“A special revolutionary people’s courts can also be formed which can order the arrest and prosecution of Duterte in order for him to face the Filipino people’s clamor for justice,” ani Valbuena.

Sa nakalipas aniya, ng anim na taon ay nagdusa ang sambayanang Filipino sa ilalim ng kampanya ni Duterte na “mass murder, national treachery, militarist response to the pandemic, na nagdulot ng matinding dagok sa mga trabaho at kabuhayan at pagbagsak ng ekonomiya.

“Tiyak na hindi patatahimikin ng mamamayan si Duterte sa rami ng krimen niya laban sa sambayanang Filipino. Uusigin siya ng bawat Filipino at hahabulin siya para makamtan nila ang hustisya. Iisa ang sigaw nila: Panagutin si Duterte, ikulong at pagbayarin!” ani Valbuena.

Bukod sa pagpapalakas ng terorismo ng estado, pananagutin din si Duterte sa katiwalian, pagkabigong ipagtanggol ang marine resources ng bansa at pagiging sunud-sunuran sa pang-ekonomiyang interes  ng mga dayuhan, at pagpayag na magtayo ng base militar ang China at US sa Filipinas.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …