Sunday , November 17 2024
Cebu Pacific CebPac CEB Super Pass

CEB Super Pass muling inihahandog ng Cebu Pacific
“BUY ALL YOU CAN, FLY WHEN YOU CAN” SA HALAGANG P99

BILANG bahagi ng isang buwang pagdiriwang ng ika-26 anibersaryo ng Cebu Pacific, muling inihahandog sa pangatlong pagkakataon ang CEB Super Pass, mula 21 hanggang 27 Marso. Sa patuloy na pagluwag ng travel restrictions dahil sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng CoVid-19 sa bansa, nakahanda ang Cebu Pacific upang tumugon sa mga ‘long-overdue travel plans’ ng mga Pinoy. Sa halagang P99 (one-way base fare), ibinibigay ng CEB Super Pass sa mga pasahero ang flexibility, convenience, at affordability sa muling pagbisita sa kanilang mga paboritong destinasyon sa bansa, o pagtuklas sa mga bagong lugar kahit kailan nila gustuhin mula 28 Marso 2022 hanggang 30 Abril 2023. Sa pangatlong pagkakataon, maaaring bumili ng kahit ilang CEB Super Pass kahit wala pang destinasyon at petsa ng biyahe. Maaaring i-redeem ang mga voucher 30 araw hanggang isang linggo bago ang nais na petsa ng biyahe. “Now that skies continue to clear, we are very happy to bring back this innovative product once again as we see everyJuan easing into making their travel plans a reality. These super flexible travel vouchers will allow friends and families to reconnect and rekindle the love for travel in a very affordable way,” pahayag ni Candice Iyog, Cebu Pacific Vice President for Marketing and Customer Experience. Maaaring ipambili ng VEB Super Pass ang laman ng mga Travel Funds. “We’ve received positive feedback from passengers that purchased the Pass before, and we look forward to enabling more Juans make those much-awaited trips happen,” dagdag ni Iyog. Maaaring bumili ng CEB Super Pass para sa inyong sarili o para sa inyong mga mahal sa buhay via Cebu Pacific website. Magtungo sa https://bit.ly/CEBSuperPass para sa karagdagang impormasyon. Unpause travel plans and make all those dreams SUPER PASS-ible! (KARLA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …