Wednesday , April 16 2025
road accident

Biktima ng hit and run
PASLIT PATAY, INA SUGATAN

PATAY ang isang 2-anyos batang lalaki habang sugatan ang kanyang ina, sa insidente ng hit and run ng isang trailer truck sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Markgil Jabuena, Jr., sanhi ng pinsala sa ulo at katawan, habang patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang kanyang inang kinilalang si Shirley Raagas, 32 anyos, residente sa Block 12 Pama Sawata, Brgy. 28, Caloocan City.

Sa salaysay ng saksing si Donalyn Tadeo, 36 anyos, residente sa Block 26 Lot 26 Ph 2, Brgy. NBBS Dagat-dagatan, Navotas City kay P/Cpl .Florencio Nalus, habang binabagtas niya ang C-3 Road patungong Agora Market sakay ng kanyang bisikleta dakong 7:30 pm, nakita niya ang isang trailer truck na mabilis ang takbo.

Pagsapit sa C3 Bridge, Brgy. NBBS Kaunlaran, nasagi at nabangga ng naturang trailer truck ang mga biktima na patawid sa nasabing lugar na nagresulta ng agad na kamatayan ng bata.

Hindi huminto ang driver ng naturang truck at mabilis na tumakas patungong Road 10 sa Manila area habang isinugod ang ina ng bata sa nasabing ospital.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …