Sunday , December 22 2024
Leni Robredo CNN presidential debate

Mula sa celebrities at netizens
ROBREDO PINURI SA PRESIDENTIAL DEBATE NG CNN

UMANI ng papuri si Vice President Leni Robredo mula sa mga celebrity at netizens sa kanyang magandang pakita sa CNN presidential debate noong Linggo na ginawa sa Quadricentennial Pavilion ng University of Sto. Tomas.

Sa Twitter, nagkaisa ang mga celebrity at netizens sa pagsasabing si Robredo ang pinakahanda sa lahat ng mga kandidato bilang pangulo na dumalo sa debate.

“Great job at the Presidential Debate, Ma’am Leni! That’s MY PRESIDENT!!!” wika ni Megastar Sharon Cuneta, asawa ng running mate ni Robredo na si Senator Kiko Pangilinan, sa isang Facebook post.

“Kahit si @glocdash9 mahihirapan sabihin sa given time lahat ng itunulong ni VP @lenirobredo sa pandemic. Kulang na kulang ang oras para masabi ‘yung sobrang daming nagawa,” wika ng stand-up comedian na si Red Ollero (@comedybyred).

“Kung gaano siya kabilis magsalita, ganoon din siya kabilis umaksiyon.” Tweet ng actor/singer na si Kerwin King (@imkerwinking).

Hanga rin sila sa malinaw at eksaktong sagot ni Robredo sa iba’t ibang isyu, na nagpapakita ng kanyang kahandaan bilang susunod na lider ng bansa.

“Malinaw ang resulta. VP Leni is the best and most qualified presidential candidate,” tweet ni @bluebendystraw.

“Wala man buckle or hindi man lang nag-stutter si VP Leni sa pagsagot. She came prepared and unbothered! Chill kung chill. Barda kung barda. Patol kung patol sa mga tanong. Ito ang dapat mamuno sa Pilipinas!” sabi naman ni @rdny_light.

“Grabe nakakaiyak si VP. The servant leader we all need, deserve, and have been praying for. TANGA NA LANG NATIN GUYS IF WE LET HER SLIP AWAY,” ani Tin Gamboa (@suzy899).

“Dito palang, sigurado, sigurado na ko kung sino ang gusto ko kong maging pangulo,” tweet naman ni @_toughkuki.

Bago ang debate, ilang artista rin ang nagbahagi ng larawan ng pagdating ni Robredo sa University of Sto. Tomas at nagpaabot ng pagbati, gaya ng aktor na si Edu Manzano, aktres na si Cherry Pie Picache, at mga singer na sina Bituin Escalante at Sam  Concepcion.

“Is this a Presidential look or is this a Presidential look?” tweet ni Manzano.

“VP Leni looks Presidential. Wow,” tweet naman ni Concepcion.

“That’s my President!!!” komento ni Picache.

Sa nasabing debate, binanggit ni Robredo ang kanyang mga programa ngayong pandemya, gaya ng libreng test kits, libreng dormitoryo, shuttle ride, at PPE sets paara sa frontliners, community learning hubs, job-hunting platforms, libreng teleconsult services, at drive-thru vaccination, at marami pang iba.

Sinuportahan ng mga artistang sina Agot Isidro at Nikki Valdez ang pahayag ni Robredo sa pagpapakita ng mga resibo ng mga programa ng Bise Presidente ngayong pandemya.

“RESIBO ng mga nagawa ni @lenirobredo noong pandemya,” tweet ni Valdez.

Pagdating sa katiwalian, sinabi ni Robredo, ang Office of the Vice President ay nakakuha ng pinakamataas na rating mula sa Commission on Audit (COA) sa nakalipas na tatlong sunod na taon.

“Nagpapakita na ang resibo nandiyan. Talagang ayaw namin sa korupsyion,” wika niya.

Tiniyak din ni Robredo, siya’y magiging hands-on na pangulo, lalo na tuwing may krisis, dahil ito’y pagpapakita ng liderato.

“Ako bilang presidente, in every crisis, ako mismo ang mangunguna. Nakita natin during the pandemic na kailangan natin ng isang pangulo na nagli-lead sa front,” wika niya.

“‘Yung number 1 ingredient ng leadership aside from character is you show up in the most difficult times. Kapag hindi ka nagshow up in the most difficult times, hindi ka leader,” dagdag ni Robredo.

Pagdating sa impraestruktura, sinabi ni Robredo na tututukan niya ang pagpapalakas nito sa mga kanayunan upang mapaunlad ang mga komunidad. Magbubuhos din siya ng pondo sa mga programang pakikinabangan ng mga commuter at bikers.

“‘Pag tiningnan kasi natin ‘yung datos, kakaunting percentage lang ng tao ang may sasakyan. Karamihan walang sasakyan at nakikibaka sa mass transportation,” ani Robredo.

Ang hashtags #IpanaloNa10To at #10RobredoPresident ay nag-peak sa No. 2 at No. 4 trending topics sa buong mundo, ayon sa pagkakasunod, habang nangyayari ang debate.

Habang isinusulat ito, ang #IpanaloNa10To” ay No. 3 trending topic sa buong mundo na may mahigit 166,000 tweets habang ang #VPLeni ay No. 7 na mayroong mahigit 49,000 tweets.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …