SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
OFF line muna si Kris Aquino sa social media. Ito ang nilinaw ng aktres/tv host dahil kailangan niya ng pahinga para makapagpagamot.
Sa Instagram post ni Kris sinabi nitong sasailalim siya sa apat na oras na treatment para sa kanyang sakit.
Aniya, in-advise siyang mag-rest muna bago ang naturang treatment kaya offline muna siya pansamantala.
“Off line po muna ako, baka lang magtaka kayo. Kailangan ko maging rested & as stress free as possible until Sunday kasi may susubukang treatment… praying very hard na kayanin ng katawan, kasi ito yung magiging paraan para maging mas okay ang quality of life ko,” post ni Kris.
Bagong treatment ang gagawin kay Kris humiling itong ipagdasal ang mga doktor at nurse na gagamot sa kanya.
“1st dose ito, pero alam ko yung possible risks involved. Please pray for the doctors & nurses na magaalaga sa kin. The whole process will take about 4 hours plus observation time. 3 days rest before and 3 days rest after. i have faith in God’s plan and His timing,” sambit pa niya.
Sinabi ni Kris na hindi niya masu-sure na gagaling siya sa gagawing bagong procedure.
“Please wag natin i-claim that i’ll be healed, wag natin Syang pangunahan. i continue praying for the Faith to continue Hoping that i’ll get healthy enough for those who still need and Love me. Good night,” aniya.
Iginiit din ni Kris na pinaka-importante ang pamilya.
“Most important lessons: we can’t change the past, today is all we have, because tomorrow is never promised. FAMILY should always come first. Fulfill your promises because you are only as good as the words you honor, and alagaan, pasalamatan, mahalin ‘yung mga taong tapat at totoong may malasakit sa ‘yo,” sambit pa niya.