Tuesday , December 24 2024

Paggamit ng “drone” ipinabubusisi ni Robes sa Kongreso

NAGHAIN ng resolusyon si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes na humihiling na busisiin ang paggamit ng drone sa bansa upang matigil ang pag-abuso at hindi wastong paggamit nito ng mga walang konsensiyang indibiduwal na lumalabag sa pribadong buhay, tulad ng nangyari sa miyembro ng kanyang pamilya.

Sa kanyang inihaing Resolution No. 2473, nanawagan si Robes sa House Committee on Transportation na magsagawa ng imbestigasyon bilang gabay sa paglikha ng batas upang matukoy ang kasalukuyang kalagayan ng paggamit ng drone sa bansa sa gitna ng napaulat na pag-abuso at hindi tamang paggamit nito na sumasaklaw na sa karapatan ng isang tao sa pribado nilang buhay, kaligtasan at seguridad.

Binanggit niya ang nakasaad sa Memorandum Circular No. 21 na may petsang Hunyo 2014 na inilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nagsasaayos sa paggamit at operasyon ng unmanned aircraft vehicles (UAV) sa bansa.

Idinugtong niyang bagama’t ang pagsasaayos sa paggamit nito ay hindi kinakailangan ang pagpaparehistro o permiso upang makapagpalipad ng drone bilang libangan, may itinakda namang lugar at pangyayari na kinakailangan ang lisensiya at rehistro para makapagsagawa ng operasyon.

               “Under CAAP rules, licenses are needed if the drone is operated commercially or weighs more than seven (7) kilograms or if the drone will be flown in restricted conditions such as  going inside restricted air space, conducting night flights, flying over populated areas, and going above maximum altitude. The Rules specifically state that drones are not allowed to go into private places and populated zones which include subdivisions and residential areas,” pahayag ni Robes

Kamakailan lamang, sinabi ni Robes na naging biktima ang kanyang pamilya ng ilegal na operasyon ng drone nang may magpalipad nito sa paligid ng bahay ng kanyang mga magulang sa Bustos, Bulacan, na halos pumasok na sa kanilang kusina.

“Such intrusion clearly violated CAAP Rules on drone operation because this not only posed risks to our safety but also to our privacy and security,” ani Robes.

Napapanahon aniya ang imbestigasyon sa drone operation lalo na’t maraming ulat ng nakawang nagaganap sa Bustos at iba pang lugar na naisasakatuparan sa tulong ng drones.

May posibilidad din aniya na magamit ang drone sa pagiging partisan sa politika lalo na’t panahon ngayon ng halalan.

               “There is a need to conduct an investigation, in aid of legislation, in order to determine the prevalence of drone operations in the country, how their operations are monitored and supervised and revisit existing regulations to guard against undue violations to rights to privacy, safety and security,” pahayag ni Robes.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …