Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
MAHIGIT sa 500 pamilya ang nabigyan ng tig-P30 mil ng pamahalaang lokal ng Cavite City, na pawang apektado ng sunog kamakailan na tumupok sa mga kabahayan na sakop ng apat na barangay.
Dumagsa ang tulong, mga damit, pagkain, tubig at ilang personal na kagamitan mula sa iba’t ibang munisipalidad ng lalawigan ng Cavite.
Bukod sa trenta mil, maraming nagbigay ng tulong-pinansiyal kaya sapat na ang perang hawak ng mga biktima ng sunog para humanap ng pansamantalang uupahang bahay, habang hindi pa naayos ang konstruksiyon ng mga nasunog na tirahan.
Salamat kay Vice-Mayor Denver Chua at buong Konseho ng Cavite City sa pag-aproba ng P30,000 ayuda mula sa kaban ng siyudad.
Nakapagtataka lang noong ibinigay na ang trenta mil, wala si Vice-Mayor Chua at ang naroon ay ang anak nitong si Apple Paredes, na mahigpit palang kalaban ni Paredes para Alkalde sa nasabing siyudad bilang Alkalde.
Si Apple ay anak ng kasalukuyang Alkalde na si Totie Paredes na kamakailan ay sinampahan ng kasong rape ng isang menor de edad sa Mandaluyong City Prosecutors Office… subalit dahil sa kahina-hinalang mga aksiyon ay nag-inhibit ang abogado ng biktima at nagmosyon sa Department of Justice (DOJ) na ilipat ng ibang fiscal ang kasong rape laban kay Mayor Paredes.
TEAM CALIXTO PA RIN
Matibay pa rin ang Team Calixto sa lungsod ng Pasay.
Nasa ikalawang termino na si Mayor Emi Calixto-Rubiano sakaling mahalal muli. Binansagang mayorang walang pahinga si Mayor Emi. Kahit hatinggabi ay matatawagan sa kanyang telepono, at sa umaga ay naglilibot para magbigay ng serbisyo-publiko.
Masisipag na konsehal sina District 2 councilors Edith Manguerra, Donna Vendivel, at Joey Isidro Calixto.