Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chel Diokno Pokwang

Pokwang suportado si Chel Diokno

ISA si Pokwang sa nagpahayag ng suporta kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno.

Noong Martes, nag-tweet si Pokwang ng “Dios mio panginoong mahabagin!! mag @ChelDiokno nalang ako!! kaloka sabi nga ni Gary V, dina natuto….”

Tinugunan naman ito ni Diokno ng “Naku po, chel ka lang @pokwang27, Maraming maraming salamat sa suporta.”

Inamin nj Pokwang kay Diokno na isa siyang tagahanga nito, na sinagot naman ng human rights lawyer ng “I’m also a big fan of yours! My son Pepe speaks so highly of you!”, na ang tinutukoy ay ang kanyang anak, ang award-winning director na si Pepe Diokno.

Waaaahhh I love him napakabuting tao. Maganda pagpapalaki nyo sa kanya @PepeDiokno,” sambit ni Pokwang.

Kamakailan, nakuha ni Diokno ang suporta ng ilang artista, kabilang sina TV host Vice Ganda at aktres na si Heart Evangelista.

Samantala, nakisalamuha si Diokno sa iba pang artista at singer na sumusuporta sa kanya sa campaign kickoff sa Naga City, kabilang ang Rivermaya at sina Nikki Valdez, Cherry Pie Picache, Bituin Escalante, Agot Isidro, atThe Company.

Isusulong ni Diokno ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang inilagay sa kanyang Facebook page, para mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan kapag nanalo siya bilang senador.

Paiigtingin din ni Diokno ang barangay justice system ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kapabilidad ng Lupong Tagapamayapa sa pagtugon sa mga isyung legal.

Makatutulong ang pagpapalakas ng barangay justice system para mabawasan ang kaso sa mga hukuman dahil mareresolba na ito sa barangay pa lang. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …