Wednesday , December 18 2024
50-M vaccine doses vs COVID-19 naihatid ng Cebu Pacific

50-M vaccine doses vs COVID-19 naihatid ng Cebu Pacific

UMABOT sa higit 50 milyong doses ng bakuna kontra CoVid-19 ang naihatid na ng Cebu Pacific sa iba’t ibang lugar sa bansa, sa patuloy nitong pagsuporta sa pambansang kampanya ng pamahalaan na mabigyan ng primary vaccines ang mga bata at mga nakatatanda, at booster jabs para sa mga bakunadong indibidwal.

Simula noong Marso 2021, ligtas na naihatid ng Cebu Pacific ang mga bakuna sa 28 pangunahing lugar sa bansa kabilang ang Bacolod, Boracay, Bohol, Butuan, Cagayan de Oro, Cauayan, Cebu, Cotabato, Davao, Dipolog, Dumaguete, General Santos, Iloilo, Legazpi, Kalibo, Masbate, Naga, Ozamiz, Pagadian, Puerto Princesa, Roxas, San Jose, Siargao, Tacloban, Tuguegarao, Tawi-Tawi, Virac, at Zamboanga.

Nakatanggap ang Cagayan de Oro ng pinakamalaking bilang ng vaccine shipments, na may kabuuang 711,520 doses sa loob ng nakalipas na dalawang buwan, na sinundan ng Iloilo, Bacolod, Tacloban, at Legazpi.

“We are glad that Cebu Pacific continues to transport these much-needed vaccines safely. This enables us to get more Cagayanons inoculated to get the protection they need, whether first, second, or booster doses,” pahayag ni Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno.

Nakasailalim ang pagbibiyahe ng mga bakuna sa estriktong proseso upang matiyak ang bisa nito hanggang sa pagdating sa nakatalagang mga estasyon.

“We are committed to keep supporting the national immunization program through the safe and timely delivery of CoVid-19 vaccines across our widest domestic network,” ani Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.

Naabot na ng Cebu Pacific ang 100% vaccination rate para sa kanilang aktibong flying crew sa pmamagitan ng sariling employee vaccination program na JG Summit COVID Protect, at pakikipagtulungan sa mga local government units sa bansa.

Gayondin, sinimulan ng Cebu Pacific ang kanilang booster program upang matiyak na mananatiling ligtas ang kanilang mga empleyado at mga pasahero sa lahat ng flight.

Ang Cebu Pacific ay may gradong 7/7 stars mula sa airlineratings.com para sa CoVid-19 compliance dahil sa patuloy nitong pagpapatupad ng multi-layered approach para sa kaligtasan na naaayon sa global aviation standards.

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 31 destinasyon, kabilang ang 15 nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 74-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter. (KARLA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …