Sunday , December 22 2024
Diego Loyzaga

Diego naka-move on na — My heart is in the right place & I am very happy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

“I’m happy now. I love myself.” Ito ang inamin ni Diego Loyzaga sa digital media conference ng pinakabago niyang pelikula sa Viva Films, ang Adarna Gang na pinagbibidahan niya kasama sina Coleen Garcia, JC Santos, Mark Anthony Fernandez, at Ronnie Lazaro. Idinirehe ito ni Jon Red at mapapanood na soon sa Vivamax Plus at sa Vivamax naman simula March 11.

Diego Loyzaga Coleen Garcia, JC Santos, Mark Anthony Fernandez Ronnie Lazaro Adarna Gang

Nakabalik na ng ‘Pinas ang binata ni Theresa Loyzaga matapos ang mahigit isang buwan niyang pagbabakasyon sa Amerika. Bagamat hindi natanong nang diretso si Diego ukol sa lagay ng kanyang puso dahil sa naging break up nila kamakailan ng girlfriend na si Barbie Imperial, naibahagi naman niyang masaya siya ngayon.

Aniya, nasa breaking point siya at saka tumawa nang kumustahin ni Mario Dumaual ng ABS-CBN.

“I’m in a very good point. I’m loving my job. I’m loving my career. I’m happy and I had the best vacation of all time.” 

Ibinahagi pa nitong, “It was so good. I love the States and you know I had plans prior to 2022.

“Well, you know in life sometimes not everything goes to plan so I have to re-assess. I had to see where I want to go again now that things have changed. 

“What I’m gonna do, where I’m working for, what I’m doing all these for like one year plan, two year plan, five years…now what I’m gonna be.”

Iginiit pa ni Diego na nasa magandang lugar ang kanyang puso at pag-iisip ngayon. Para nga raw siyang bago.

“I feel like a new me, although physically right now I feel sick. I don’t know, I guess it’s the jetlag. I got sipon and a cough but aside from those physical things, my mind is in the right place, my heart is in the right place and I am a very happy guy, so, everything’s good.”

Samantala, iikot ang istorya ng Adarna Gang sa isang dalaga at tatlong miyembro ng sindikato na nag-aagawan sa pagiging “hari”.   

Si Coleen si Adriana, unica hija ng mag-asawang Jose (Soliman Cruz) at Maria (Mickey Ferriols).  Batid ni Adriana na sangkot sa sindikato ang kanyang ama kahit na hindi nila ito pinag-uusapan. Umaasa na lamang siya na matutupad ang pangako nitong lilipat na sila sa probinsiya.  Ngunit maglalaho ang pangarap na ito nang mapatay si Jose.  

Si JC si Juan, isa sa tatlong anak-anakan nina Fernando (Ronnie Lazaro), ang lider ng sindikato, at Valeriana (Sharmaine Buencamino). Kompara sa kanyang mga itinuturing na kapatid, swabe at magaan kasama si Juan. Sinusubukan nitong maging kaibigan si Adriana dahil magkaibigan naman ang kanilang mga ama.  

Si Diego rin ang pangalan ng karakter ni Diego Loyzaga.  Siya ang bunso sa tatlo. Numero unong babaero, pero pagdating sa sindikato ay kulang pa sa galing.  Gayunman, marunong naman siyang sumunod sa utos.

Si Mark Anthony si Pedro, ang pinakamatanda at pinaka-ambisyoso.  Hindi siya mag-aatubiling alisin ang sino mang balakid sa sindikato.  

At tulad ng pangyayari sa Ibong Adarna, inutusan din sina Juan, Diego, at Pedro na tugisin si Adriana. Ang unang makahuhuli sa kanya ay gagantimpalaan ng malaki.

Mapapanood na sa Vivamax ang Adarna Gang simula March 11 sa Vivamax, pero pwede na itong mapanood in advance sa Vivamax Plus, ang bagong pay per view service ng Viva.

Ito ang pagbabalik-pelikula ni Coleen matapos niyang manganak sa panganay nila ni Billy Crawford.  Ang huling pelikula niya ay noong 2020, ang Mia.

Matagumpay naman ang huling pelikula ni JC na More Than Blue. Noong nakaraang taon, lima agad ang naging pelikula ni Diego, kasama na ang Death of a Gilfriend at kamakailan ay napanood siya sa The Wife. Si Mark Anthony naman ay naka-tatlong pelikula rin noong 2021, isa na rito ang Barumbadings.

Ang Adarna Gang ay mula sa panulat at idinirehe ni Jon Red na tumatanggap na ng parangal simula dekada ’90, tulad ng Gawad Urian Award for Best Short Film: Tiempo (1993), Best Short Film: Trip (1994), at Silver DV Award para sa Astigmatism  (2004) na iginawad sa Hong Kong International Film Festival.  Siya rin ang sumulat ng Hugas, isang romantic crime movie na exclusive rin sa Vivamax at siya rin ang writer at producer ng pinakabagong erotic series sa Vivamax, ang L.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …