Sunday , December 22 2024
Neri Colmenares

Oplan baklas ng Comelec hindi patas – Colmenares

BINATIKOS ng militanteng grupo ang Commission on Elections (Comelec) sa pagpapatupad ng Oplan Baklas, na lahat ng posters at streamers ng mga kandidato ay ipinatatanggal kahit na ito’y private property at may pahintulot ng may-ari.

Ayon kay Makabayan Senatorial Candidate Neri Colmenares hindi patas ang patakarang ito at taliwas sa regulasyong magkaroon ng pantay na laban sa halalan.

“The essence of these regulations allows the marginalized to participate in the most important democratic exercise in our country so that the people may elect deserving leaders,” ani Colmenares.

               “Instead of letting people express their support, COMELEC has overreached through the takedown of campaign materials in private properties without due process,” giit ng dating kongresista.

               Ani Colmenares, nakalinutan ng Comelec na ang mga posters na nakadikit sa campaign headquarters at mga pribadong lugar ay may pahintulot at parte ng malayang pagpapahayag na nakasaad sa saligang batas.

“Due process is missing with the unilateral takedown of these campaign materials. Like any other judicial process, there should be room for explanations on whether such material should be taken down or not before forcing their ‘baklas teams’ to enter private property, which can be considered trespassing,” paliwanag ni Colmenares.

Kaugnay nito, sinabi ni Colmenares, ang mga bagong patakaran ng Comelec ay sobrang mahigpit na pati donasyong nagkakahalaga ng P100 ay kinakailangang may affidavit of donation.

Pahirap, aniya, ang regulasyong ito para sa nga mahirap na kandidato na tumangap ng suporta mula sa ordinaryong tao.

“Kayang-kaya natin magkaroon ng maayos, malinis at patas na halalan kung ang mga regulasyon ay manghihikayat sa mga tao na makilahok sa sariling paraan sa mga iba’t ibang kampanya. Ang eleksiyon ay isang demokratikong ehersisyo ng ating karapatang pumili at sumuporta sa ating napupusuang mga lider, kaya nararapat lamang na hayaan silang ipahayag ang kani-kanilang suporta,” aniya. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …