Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Ross Rose Van Ginkel Jela Cuenca Rob Guinto

Wilbert na-challenge bilang Felix Bacat sa Boy Bastos

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASAYA si Wilbert Ross na nabigyan siya ng pagkakataong magbida sa Boy Bastos ng Viva Films na mapapanood na sa February 18 at pinagbibidahan din nina Rose Van Ginkel, Jela Cuenca, Andrew Muhlach, Bob Jbelli, at Rob Guinto.

Ang Boy Bastos ay ukol sa Internet character na naging popular at kontrobersiyal noong 2007. 

Sa title pa lang ng pelikula malinaw na kailangang maghubad ni Wilbert. Pero iginiit niyang hindi iyon ang talagang ibinebenta ng pelikula kundi ang istorya nito.

Yung mga paghuhubad, may purpose iyon kung bakit ko ginawa, kaya walang rason para tanggihan ko ang ‘Boy Bastos.’

Maganda ang script, maganda ang karakter, maganda lahat. ‘Yun ang mga dahilan kaya hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ito,” paliwanag ni Wilbert sa final virtual media conference ng pelikulang idinirehe ni Victor Villanueva.

Sinabi pa ng Hashtag member na nagustuhan niya ang kanyang karakter, si Felix Bacat Cabahug, isang mapusok at malikot na estudyante.

Si Felix ay binansagang “Boy Bastos” sa kanilang eskuwelahan. Isa siyang malib*g pero virgin na mahilig mag-drawing ng kabastusan sa kanyang notebook. Si Cathy (Jela) naman ay ang kanyang girlfriend na handang ibigay ang virginity sa kanyang nalalapit na birthday. Hindi niya talaga type  si Cathy, kaya naman mahihirapan siyang ma-arouse nang subukan nilang mag-sex.

Makikilala naman ni Felix si Katey (Rose Van). Siya ang Substitute Teacher nila sa Biology, na nagkataong magiging housemate niya pala. Ipapaalala ni Katey na wala dapat makaalam sa campus na sa iisang bahay lang sila nakatira. Unti-unti ay mahuhulog ang loob ni Felix kay Katie na siyang magiging teacher niya sa life at sa sex 101. 

Panoorin ang mga sexy at funny misadventures ni Felix. Kasama niya sa kalokohan ang kanyang mga kaibigan na sina Garfield (Andrew) at Layno (Bob) na gaya ni Felix, mahilig din sa porn at sa mga kalokohan.

Ang Boy Bastos ay gawa ni Villanueva, ang batang direktor na gumawa ng award-winning at cult-favorite na Patay na si Hesus.

Tumawa at makipagbastusan kay Boy Bastos sa February 18, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East Europe, Canada at America.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …