Sunday , November 17 2024
Cebu Pacific plane CebPac

Int’l network ng Cebu Pac mas lalong pinalawak

MULING sinimulan ng Cebu Pacific ang tatlong beses kada linggong flight patungong Bangkok, at patungong Fukuoka at Jakarta, kasabay ng pagluwag ng Philippine arrival quarantine restrictions at muling pagbubukas ng borders para sa mga turista ngayong buwan.

Sa pagrerebisa ng IATF, ang entry and quarantine protocols para sa mga biyaheng internasyonal, pansamantalang sinususpendi ang classification restrictions sa mga bansa (green, yellow, at red categories).

Ayon sa guidelines nito, ang mga fully vaccinated na pasahero mula sa mga bansang visa-free ay maaaring bumisita sa Filipinas para sa business at leisure purposes, at hindi na kinakailangang sumailalim sa mandatory facility-based quarantine sa kanilang pagdating, basta may maipakikita silang negatibong resulta ng RT-PCR test na kinuha 48 oras bago ang kanilang arrival.

“This development will benefit the tourism industry across the Philippines as we welcome vaccinated travellers from around the world to explore our beautiful shores. We laud the Department of Tourism for actively pushing for our country to start accepting foreign tourists again, and we will support this initiative however we can,” pahayag ni Xander Lao, Chief Commercial Officer ng Cebu Pacific.

Kasama rin sa plano ng Cebu Pacific ang pagbabalik ng kanilang flight sa iba pang international routes mula Maynila sa susunod na buwan, kabilang ang Ho Chi Minh (Saigon) sa 1 Marso (Martes); at Taipei sa 5 Marso (Sabado).

Samantala, sinuspendi din ng mga awtoridad ng UAE ang capacity restrictions ng mga flight na may rutang Dubai-Manila, kaya muling maibabalik ang arawang flight dito ng Cebu Pacific simula 1 Marso (Martes).

“We continue to bank on the rebound of domestic tourism this year while remaining agile in addressing demand for international travel as well. We are encouraged that with these positive indicators, more OFWs can also fly back home easily and safely to their families,” dagdag ni Lao.

Pinaalalahanan rin ang mga pasahero na tiyaking kompleto ang kanilang requirements bago ang araw ng kanilang biyahe at ilagay ang kanilang mga contact details sa kanilang bookings upang agad silang mapadalhan ng mahahalagang paalala.

Agad ilalagay ng Cebu kung sakaling may mga update sa travel requirements sa bit.ly/CEBTravelRequirements.

Sa kasalukuyan, pinatatakbo ang Cebu Pacific na mayroong 100 porsiyentong bakunadong aktibong flying crew. Sumasailalim rin ang mga pilot at cabin crew ng regular na antigen testing (Test Before Duty) bago sila italaga sa flights.

Gayondin, nagsimula ang booster program ng kompanya upang matiyak ang patuloy na kaligtasan ng kanilang mga empleyado at mga pasahero.

Ang Cebu Pacific ay may gradong 7/7 stars mula sa airlineratings.com para sa CoVid-19 compliance dahil sa patuloy nitong pagpapatupad ng multi-layered approach para sa kaligtasan na naaayon sa global aviation standards.

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 31 destinasyon, kabilang ang 15 nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 74-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter. (KARLA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …