Thursday , April 3 2025
Rodrigo Duterte sad

Duterte ‘bitter’ pag-alis sa poder

MAY lungkot sa tinig ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ihayag ang retirement plan niya kagabi pagbaba sa poder.

Hindi na hihintayin ng Pangulo ang pagtatapos ng kanyang termino sa 30 Hunyo 2022 para lisanin ang Palasyo dahil nag-eempake na siya ng mga gamit at ang iba ‘y naipadala na niya sa Davao City.

“Ako ang — I don’t know where kung saan ako dalhin ng Diyos. But I — I trust that he would not let me down,” aniya sa kanyang Talk to the People kamakalawa ng gabi.

Plano ng Pangulo na bumili ng isang two-bedroom condominium na kanyang tutuluyan simula sa susunod na buwan kapag siya’y nasa Maynila at pupunta sa Malacañang upang tapusin ang kanyang mga natitirang trabaho.

“Nag-iimpake na po ako. In a little over three months, ‘yung excess wala na ‘yun. So I should be out by — by March. Hindi ko na paabutin ng Abril. Hindi na ako matutulog rin dito. Kung saan ako dalhin ng Panginoong Diyos, mag-practice na ako tulog doon,” aniya.

Kuwento ng Pangulo, naiprograma na niya ang kanyang pagreretiro at pangunahin niyang pinaghandaan ay ang panggastos para sa kanyang mga gamot.

“Mag-program talaga ako for retirement. And that money is good for — wala ka man ibang gastos diyan. You reserve a money sa ating katandaan, walang ano ‘yan. The real purpose there is to buy the medicines and sa ospital mo. ‘Pag ikaw matanda ka na, marami kang sakit tapos upkeep sa… Iyan ang ano ng retirement, that is what means to me now, ‘yung pag-retire ko,” aniya.

Inaasahan na rin niya na wala nang sasaludo sa kanyang sundalo kapag isa na siyang “nobody” o hindi na siya Pangulo ng bansa.

“Ang sundalo mag-salute ‘yan sa iyo ‘pag nasa presidente ka pa. Paglabas ko riyan, ‘pag turnover natin dito, ibigay ko na sa bagong presidente, ang mga sundalo hindi na mag-salute. Ganoon ‘yan e, that’s the — that’s the protocol. ‘Pag presidente ka pa, maski na nakatuwad ka riyan, mag-salute ‘yan. [Pero kung hindi ka na presidente, sabihin nila, “Mayor.” Iyon na lang, hindi na… They are not required to execute a salute because you are nobody. That’s how it is in our practice, in our government, in our democracy,” sabi ni Duterte.

“Mga kababayan ko, iyon lang ang masabi ko sa inyo ‘yung sentimiyento ko at ano ang nangyayari sa buhay ko. Baka akala ninyo na madali. Hindi madali even just going out of this.”

Samantala, wala siyang napipisil na iendosong papalit sa kanya sa Malacañang ngunit kapag nagkaroon ng matinding dahilan ay posibleng magbago ang kanyang isip bago sumapit ang halalan sa Mayo. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …