Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

2 motornapper, arestado sa Vale

NAARESTO ang isang suspek sa bias ng warrant of arrest, habang ang isa ay kapwa nasa listahan ng most wanted persons (MWPs) sa mga kasong carnapping sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Jerry Suarez, 27 anyos, residente ng Navarette St., Brgy. Arkong Bato ng nasabing lungsod.

Nauna rito, naaresto rin si Glen Iwayan, 25 anyos, sa arrest warrant, habang nasa loob ng custodial detention ng Obando Municipal Police Station, sa Obando, Bulacan.

Batay sa ulat ni Warrant and Subpoena Section (WSS) chief, P/Lt. Robin Santos, kapwa akusado sina Suarez at Iwayan, dahil sa mga kasong carnapping.

Ayon kay Substation 5 commander, P/Lt. Ronald Bautista, ang mga suspek ay kapwa may kasong scrapping parts of stolen motorcycles, at matapos nito ay ibenebenta o kaya ay pira-piraso itong ikinakabit sa iba’t ibang nakaw na motorsiklo.

Kapwa arestado ang suspek sa bisa ng warrant of arrest for violation of the New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883) na ipinalabas ni Presiding Judge Carl Badillo, Regional Trial Court Branch 102, Malolos City, Bulacan noong 31 Enero 2022. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …