Sunday , December 22 2024
Dragon Lady Amor Virata

Paging Mang Boy!
DRUG SUSPECTS SA PASAY CITY JAIL GINALIS AT NAGKA-TB
Duty inquest fiscal nasaan?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MABAGAL ang proseso ng duty inquest fiscal sa Pasay City kaya naman tambak ang mga preso sa selda ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa Pasay City.

Sa loob ng maliit na selda na kung ‘di ako nagkakamali ay baka 20-30 metro kuwadrado lamang ang sukat at may 88 o higit pang nakakulong, dahilan upang magsisiksikan ang mga preso.

Kadalasan, nakaupo, at nakatayo habang hawak ang rehas na bakal o kahit habang natutulog, at madalas nagpapalitan ng puwesto sa pagtulog ang mga preso — para makapagpahinga lang.

Katawa-tawa ang bulok na sistema, bawal ang dalaw kaya ang mga pagkain para sa mga preso na bitbit ng mga kaanak ay iniaabot sa mga bantay. Ang pangamba ng mga kaanak ng preso, nakakakain ba nang husto ang kaanak na preso? Ang mga pagkain na dala ba nila ay nakararating?

Iyan ang ilang katanungan at pangamba ng mga kaanak o kaibigan na dumadalaw sa mga preso ng DEU sa Pasay City Police Headquarters.

Sa kaalaman ng lahat, hindi sakop ng pagkaing ipinamimigay sa mga preso ang mga nakakulong sa DEU, dahil kinakailangan pa munang ma-inquest ng piskalya bago i-turn-over sa Pasay City Jail. Doon pa lang magiging libre ang pagkain ng mga preso.

Nakatatawa, isa ang physical distancing sa ipinaiiral na health protocols pero sa loob ng kulungan ng DEU ay hindi nangyayari at lalong hindi puwedeng mangyari! Sa rami ng preso, at sa patuloy na operasyon ng mga tauhan ng DEU lalong dumarami ang mga preso.

Nasaan ang mga duty inquest fiscal? Suspendido rin ba ang operasyon ng piskalya dahil sa pandemic? Paano na ang mga preso sa DEU na tumatagal ng isang buwan sa munting kulungan? Hindi nakapagpipiyansa ang mga kasong bailable?

Sana naman maging sentro ng lokal o ng Department of Justice (DOJ) ang problemang ito. Kailangan na kailangan ang mga duty inquest fiscal dahil habang ginagawa ng pulisya ang kanilang trabaho sa paghuli ng mga sangkot sa ilegal na droga, tila bulag naman ang piskalya sa kalagayan ng mga preso.

‘Di nga ba, justice delayed is justice denied?

Dapat ‘yung isinuweldo ng mga piskal ay ibili ng pagkain ng mga preso na walang dumadalaw at pambili ng mga electric fan para sa maayos na bentilasyon.

Subukan n’yo kayang pumunta sa kulungan ng DEU sa lungsod ng Pasay, ang baho ng amoy ng mga preso. Mga hindi naliligo, pawis ay nanikit na sa katawan.

Dear fiscal, subukan naman po ninyong dalawin ang mga preso sa maliit na kulungan.

Kabaho talaga, may mga galis at may tuberculosis, mga dahak ng plema, nakokonsensiya n’yo ba ‘yan?

Paging Secretary Menardo “Mang Boy” Guevarra!

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …