Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ping Lacson Boy Abunda

Lacson kay Kuya Boy — I’m the most qualified, most competent, and the most experienced

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KILALANG maprinsipyong tao ang presidential candidate na si Senador Ping Lacson kaya wala siyang ‘siniraang’ ibang kandidato sa katatapos na interbyu sa kanya ni Boy Abunda. Kaya naman mas marami ang humanga sa kanya.

Ito iyong portion na “Political Fasttalk” na kailangang sagutin agad ni Lacson ang tanong na, “bakit hindi dapat iboto si…” kasunod ang pangalan ng iba pang tumatakbong presidente.

Magandang pagkakataon na sana iyon ni Ping para siraan ang mga kalaban niya at para maiangat ang sarili pero iba ang ginawa nito.

Katwiran nga niya, “Kasi tumatakbo akong presidente, Boy.” 

Sa bawat tanong ni Kuya Boy na binabanggit niya isa-isa ang pangalan ng ibang kandidato, iyon din ang sagot ni Lacson na naka-smile. 

At nang tanungin naman siya ni Boy kung bakit siya ang dapat na iboto, ang simple pero kompiyansang sagot ni Lacson: “I’m the most qualified, most competent, and the most experienced.”

Sa una, hindi masyadong mapapansin ang tanong ni Boy tungkol sa “bakit hindi dapat iboto si…” Pero nang lumabas at inere na ang isa pang kandidato at tinanong din ni Boy nang katulad na tanong, aba’y siniraan niya isa-isa ang kalaban niya.

Sinabihan pa nga si Lacson na hindi raw ito dapat na iboto dahil ‘maraming salita, pero on the ground, kulang.” 

Ang naging sagot naman dito ni Lacson, “Hindi ako kulang ‘on the ground.’ Hindi lang talaga ako ma-epal tuwing magbibigay ng tulong sa mga kalamidad man o sa mga indibidwal na tulong.”

Hindi naman ibig sabihin ni Lacson na epal ang tumulong. Ang ibig sabihin ng senador ay hindi niya gawain na magpakita, magpa-picture, at magpa-video sa mga tao o lugar na tinutulungan niya.

Sabagay, dati nang sinabi ni Ping at running mate niyang si Senate Presidente Tito Sotto na mas nais nilang ipakita sa mga tao ang kanilang plataporma o gagawin sa Pilipinas kapag sila ang nanalo, kaysa hanapan ng butas o siraan ang mga kalaban nila. 

Tama nga ang sinabi ng political magnate ng Cebu na si Winston Garcia, na kapatid ni Gov. Gwen Garcia, suportado niya ang tambalang Lacson-Sotto, na tinawag niyang “the most decent candidates.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …

Money Bagman

P180-B ‘tinatayang nawawala’ sa ghost flood control projects

MAHIGIT P180 bilyon ang malamang na napunta sa mga ‘guniguni’ o ghost na flood control …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …