Saturday , November 16 2024

Pagpapaaresto kay CoVid-19 positive Nono-Lin ikinabahala

WALANG basehan ang paratang na tinatakasan ni Quezon City 5th district Congressional candidate Rose Nono-Lin ang hearing sa Senate blue ribbon committee.

Ito ang pag-aalma ng kampo ng negosyanteng si Rose Nono-Lin kasunod ng pagkakasama sa pangalan niya sa listahan ng pinatwan ng “cite in contempt” dahil sa hindi pagdalo sa hearing sa senado nitong Huwebes bilang witness sa Pharmally probe.

Ipinagtataka ni Atty. Alma Fernandez-Mallonga kung bakit kasama ang negosyante sa ipinaaaresto ni Blue Ribbon Committee chairman, Sen. Richard Gordon kahit nag-abiso na si Lin na siya’y positibo sa CoVid-19.

Batay sa resulta ng RT-PCR test ng 39-anyos negosyante, nagpositibo siya sa virus noong Miyerkoles, 26 Enero. Pero Martes pa lamang hindi na sinipot ang kanyang mga event na paglilibot sa kanyang mga kababayan bilang kandidato sa pagka-kongresista sa QC 5th District.

Sabi ni Atty. Mallonga, bukod sa sertipikasyon ng kanyang family physician, sinuri rin ng isang espesyalista si Lin via teleconsultation kaya’t nag-abiso sa committee tungkol sa kaniyang kalagayan.

Sa sitwasyon, aniya, ngayon ni Lin na CoVid-19 positive, pinayohan ng kanyang doktor na mag-quarantine at magpahinga dahil nakakaramdam na rin ng pananakit ng tagiliran na posibleng may kinalaman sa abnormalidad sa colon at pamamaga ng kaniyang gallbladder.

Nababahala ang mga abogado ni Lin sa naging aksiyon ni Gordon na nangunguna sana sa mas nakaiintindi sa kalagayan ng isang taong positibo sa CoVid-19 dahil pinuno ng Philippine Red Cross.

Giit ni Atty. Mallonga, pitong beses at walang liban sa pagdinig tuwing iimbitahan ang kanyang kliyente mula noong 21 Setyembre 2021 hanggang 3 Disyembre 2021.

Paliwanag ng kampo ni Lin, hindi siya nagpapalusot at walang intensiyong balewalain o takasan ang paanyaya ng Senate Blue Ribbon Committee dahil ang kanyang hindi pagdalo kahapon ay dala ng medical condition na hindi na niya kontrolado.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …