Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marc Cubales Jay Altarejos

Marc Cubales tuloy na tuloy na ang pagpo-produce; Finding Daddy Blake gigiling na

MA at PA
ni Rommel Placente

PINASOK na rin ng aktor, model, enterpreneur at philantropist na si Marc Cubales ang pagiging movie producer na matagal na rin naman niyang pinapangarap.

Ang unang movie na ipo-produce niya ay may working title na Finding Daddy Blake, na ang magiging direktor ay si Jay Altarejos. Isa itong BL film.

Noong nakilala ni Marc si Direk Jay at may ipinabasa ito sa kanyang script, nagustuhan agad niya iyon. 

Ito nga ‘yung Finding Daddy Blake

Para kay Marc, ito ang klase ng pelikulang gusto niyang gawin. 

Pasok kasi ito sa hinahanap niya na istorya ng isang BL fillm.

Sabi ni Marc  nang makausap namin siya sa intimate presscon na ipinatawag niya, “Ang gusto ko, not just a normal BL story, ‘yung may twist, may scandalous or whatever.

“Tama na ‘yung kissing-kissing, masyadong love story, nagka-inlove-an, ganyan.

“I level-up natin. BL story, pero iba ‘yung dating. ‘Yung magugulat ‘yung mga tao. Ba’t ganyan, ba’t ganoon?

“Then I met Direk Jay. Pagkaupong-pagkaupo, sabi niya, ‘o eto nga may isa pa akong film, ‘yung ganyan. 

“I fell in love with the story. ‘I like it,’ sabi ko.

“When the movie industry is quiet, gumawa na rin tayo ng movie..at least kahit paano, to support it.

“At the same time ipakita natin na susubok tayo, gagawa tayo ng challenging film. So, ayun.”

Gustong-gusto na ni Marc na simulan ang shooting ng nasabing pelikula ganoon din si Direk Jay.

Si Direk napaka-eager, and napakabilis umaksyon.Na talagang pinipilit ko na ito ‘yung time line. I-push pa natin kung pwede pang agahan. Kung pwedeng gawin na bukas, gawin na natin.

“Kung pwedeng..we have to pay this, we have to do that. Para ahead of ano, ‘di ba?

“Kasi ang gusto ko sana, matapos ‘yung film as soon as possible,” giit pa ni Marc.

Plano ni Marc na simulan ang shooting pagkatapos ng kanyang birthday sa February 4.

Magkakaroon ng audition para sa gaganap na mga bida sa Finding Daddy Blake.

Natutuwa si Marc na may mga idea o input siya sa pelikula na tinanggap/sinang-ayunan ni Direk Jay.

May mga gusto o napipisil ba siya na gusto niyang isama sa  unang pelikula na ipo-produce niya?

Ako, ‘yung personal choice ko would be, definitely, like what I told kay Direk Jay, ‘yung mga upcoming star ngayon, like Gold Azeron, napakagaling niya.

“And then that Carlo Dala, isa pa ‘yun. Kasi ‘yung face rin naman, napaka-innocent.

“At saka ang galing niya roon sa role niya sa napanood ko sa Netflix,” pagbabahagi pa ni Marc.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …