Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nora Aunor Lotlot de leon Sandy Andolong Christopher de Leon

Pagtawag ng Nay ni Lotlot kay Sandy ipinagpuputok ng butse ng Netizens

HATAWAN
ni Ed de Leon

KINAMPIHAN nina Boyet de Leon at Sandy Andolong si Lotlot de Leon laban sa mga basher na naninira sa kanya. Bina-bash na naman nang husto si Lotlot ngayon dahil sa hindi niya pagsipot sa reunion na binuo para sa mga anak-anakan ni Nora Aunor.

Pero ang mas nagulat kami at masasabi ring natuwa nang sagutin ni Lotlot ang depensa sa kanya ni Sandy at sinabi niyang, “salamat, Nay.” Maliwanag na kinikilala niyang parang second mother niya si Sandy na tama lang naman dahil adopted siya ni Boyet na kinikilala niyang ama, at ngayon nga si Sandy ang legal na asawa niyon.

Kahit na ano ang sabihin nila, tumatayo si Sandy bilang stepmother ni Lotlot at tama lang kilalanin niya iyon.

Kaso may mga tao raw lalo lang nagputok ang butse nang tawagin pa ni Lotlot si Sandy ng “Nay.”

Eh magputok man naman ang butse nila, ano magagawa nila?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …