I-FLEX
ni Jun Nardo
INILABAS na nina Heart Evangelista at Nadine Lustre ang totoong kulay nila sa darating na eleksiyon 2022 – Pink!
Yes, kumbinsido ang netizens na Kakampinks sina Heart at Nadine matapos mag-post ang dalawa tungkol kay VP Leni Robredo sa kani-kanilang social media account.
Sa Instagram ni Heart, nag-post siya ng video na nagsusukat ng pink na damit na may caption na, “On Wednesday, we wear pink!” Associated ng pink na kulay kay VP Leni.
Sa Nadine naman, may post ng mural ni VP Leni sa Leni-Kiko Volunteer Center sa Katipunan, QC. Ito ang una niyang post sa social media account pero noon pa man ay suportado ni Nadine si VP Leni for president.
Alam naman nang marami na si VP Leni ang unang tumulong sa biktima ng bagyong Odette at may ginagawa rin siya kaugnay ng COVID-19.
Eh dahil sa hayagang suporta nina Herat at Nadine kay VP Leni, “Kakampinks sila!” ang kongklusyon ng netizens!