Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Tatlong panibagong variant… tama na

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

SA HIRAP na dinaranas ngayon ng ating bansa, mahihirapan nang makaahon, heto at may tatlong bagong variant ng CoVid-19 na naman, bagama’t wala pa sa ating bansa. Ang Deltacron o Delmicron, Flurona at IHU na may dalawang pasyente na sa Estados Unidos at Israel ay lubos na nakababahala, ang pangamba ay baka makapasok sa ating bansa.

Ang Deltacron ay may 25 kataong apektado sa bansang Cyprus, samantala may 12 pasyente ang IHU sa bansang France.

Huling ulat mula sa DOH na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nagkakasakit sa buwan ng Pebrero. Lubhang apektado na ang mga local government units (LGUs), katulad sa siyudad ng Parañaque.

Agad na nagpasa ng Ordinansa ang Konseho para i-extend ang pagbabayad ng business tax ng mga negosyante, kung may mga nag-restore, marami na rin ang nagsara ng kanilang mga negosyo, dahil hindi na kumikita o hindi na makabawi sanhi ng pandemya.

Kitang -Kita na bawas na ang dating koleksiyon sa business tax, nariyan na nagbigay ng amnesty ang mga LGUs sa real property tax sa mga nais ng advanced payments, lahat ay ginawa na ng LGUs bilang konsiderasyon sa taxpayers.

Apektado tiyak ang pagkakaloob ng LGUs ng monthly allowance sa mga libo-libong estudyante na P500 kada buwan na kung minsan ay tatlong buwan naiipon bago maibigay. Siguro ideklara muna na itigil ang monthly allowance ng mga estu­dyan­te, pro­blema na muna ng mga magulang ‘yan.

Tutal online classes at home naman at hindi face-to-face ang mga mag-aaral, na kadalasan mga magulang ang kumukuha ng allowance ng mga mag-aaral at ipinambibili lang ng pagkain ng kanilang pamilya na dapat ay sila ang magsikap para buhayin at pag-aralin ang kanilang mga anak.

Paano na ang bansa natin kung patuloy tayong aasa sa bigay ng gobyerno? Ang mga kawawang empleyado na kinakaltasan ng buwis pero ang nakikinabang ay mga taong tamad maghanap­buhay, walang pagsisikap, at tunay na umaasa lamang sa mga ayudang bigay ng gobyerno.

Siguro panahon na, para magkaroon ng census sa mga pamilyang dapat bigyan ng ayuda, ‘yung pamilyang hindi sapat ang kinikita pero may trabaho. Pero ‘yung pamilyang walang mga trabaho, nakaupo lang, naghihintay, ‘yan ang mga hindi dapat bigyan. Dahil lumilitaw na konsintidor ang gobyerno sa mga taong tamad.

Paano kung lahat ng negosyo ay magsara? Paano kikilos ang pamahalaan kung walang pumapasok na pondo sa kaban ng bayan?

Sa ngayon, paghandaan natin ang susunod na buwan dahil mas darami pa ang maaapektohan ng CoVid-19 ayon sa ulat ng Department of Health (DOH), pero dahil gustong mabuhay ng mga tao, lumalabas ng kanilang bahay at naghahanap ng makakain.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …