TATLONG preso (persons deprived of liberty) ang iniulat na nakatakas sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) kaninang 1:00 ng madaling araw, Lunes, 17 Enero.
Sa naunang mga ulat, sinabing tumalon ang tatlong pugante sa path walk at pinaputukan ng baril ang jail guards sa Gate 3 at 4.
Dinala sa ospital ng Muntinlupa ang tatlong sugatang guwardiya upang lapatan ng atensiyong medikal.
Ayon kay Gabriel Chaclag, tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor), ang tatlong nakatakas ay armado at mapanganib.
Nananawagan ang BuCor sa publiko na tumawag sa 0917 804 9362 o 0918 600 1081 para sa impormasyon kaugnay sa tatlong pugante.