MA at PA
ni Rommel Placente
PAGKATAPOS lisanin ni Kuya Kim Atienza ang ABS-CBN 2 at lumipat sa GMA 7, ang sumunod naman na news anchor na umalis na rin sa Kapamilya Network ay si Julius Babao.
Nagkomento ang isang basher kay Julius at idinawit pa sina Kuya Kim at isa pang news anchor dati ng ABS-CBN na si Atom Araullo, na nauna nang lumipat sa Kapuso Network noong 2017.
Tweet ng basher published as it is, “Di ka kawalan. Ano na kayang nangyari kay Atom, kay Kuya Kim, may nanonood ba sa palabas nila.. Hahaha.”
Nang mabasa naman ‘yun ni Kuya Kim ay sinagot niya ang basher. Sabi niya, “Hmmm. Parang meron pa naman the last time I checked.”
In fairness naman kay Kuya Kim, marami pa rin naman ang interesadong mapanood siya sa telebisyon.