Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janine Gutierrez

Janine flattered na napasama sa 100 most beautiful faces

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibongga

AMINADO si Janine Gutierrez na na-flatter at nasorpresa siya nang malamang napabilang siya sa 100 Most Beautiful Faces in the world for 2021.

Naniniwala si Janine na magaganda talaga ang mga Filipina kaya marami ang nakapasok sa listahan. Pang-number 78 si Janine sa listahan.

I think pinakamaganda naman talaga ang Filipina and I’m honored,” ani Janine.

Pero naniniwala ang Marry Me, Marry You lead actress na mas lumalabas ang ganda kapag masaya ang tao at nakapagpapasaya ng iba.

It really has to come from the inside na masaya ka and you also make the people around you happy.” 

Bukod kay Janine, pasok din sa listahan ang dalawa pang Kapamilya actresses na sina Ivana Alawi (#4) at Liza Soberano (#18). Mula pa noong 2015 consistent nang pumapasok si Liza sa listahan at back-to-back pa ang pagiging number one niya noong 2017 at 2018.

Samantala, nagpapasalamat si Janine sa lahat ng sumusubaybay sa Marry Me, Marry You at hiniling na sana abangan ng mga tao ang mga mangyayari sa nalalapit na pagtatapos ng nasabing  Kapamilya teleserye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …