Friday , November 15 2024
Bigti suicide feet paa

Iniwan ng girlfriend
18-ANYOS NAGBIGTI SA CICL SHELTER

MATAPOS hiwalayan ng girlfriend, isang youth offender ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng temporary shelter para sa mga kabataan na may nakabinbing kaso sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ang katawan ng 18-anyos biktima ay nadiskubre ng 16-anyos binatilyong kapwa youth offender dakong 8:30 pm sa second floor ng Bahay Pag-asa Shelter sa Langaray St., Brgy. Longos.

Sa ulat ni P/SSgt. Jeric Tindugan kay Malabon City police chief P/Col. Albert Barot, nagtungo ang 16-anyos youth offender sa second floor ng shelter upang patayin ang ilaw nang makita nito ang katawan ng biktima na nakabigti gamit ang kumot na nakapulupot sa kanyang leeg at ang kabilang dulo ay nakatali sa beam ng kisame ng corridor ng shelter building.

Kaagad humingi ng tulong kay Emil Felipe, 33 anyos, security guard ng facility ang 16-anyos binatilyo saka mabilis na isinugod ang biktima sa Lorenzo Ruiz Women and Children Hospital sa Brgy. Santulan ngunit  idineklarang dead on arrival.

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman ng pulisya mula sa kanyang roommates at iba pang social workers ng shelter na kamakailan ay nagtangkang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali ngunit napigilan ng iba pang children in conflict with the law (CICL).

Narekober din ng pulisya ang cellular phone ng biktima na naglalaman ng mga mensahe na naka-address sa kanyang ina at ipinapaalam ang tungkol sa kanyang pagpakamatay dahil sa homesickness at heartbroken matapos umanong hiwalayan ng kanyang girlfriend. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …