Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zoren Legaspi Carmina Villarroel Zig Dulay

Zoren at Mina bucket list ni Direk Zig

RATED R
ni Rommel Gonzales

UMPISA pa lamang ng mediacon ng Stories From The Heart: The End Of Us ay naging emosyonal na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel

Sa tanong kasi sa mag-asawa kung ano ang nararamdaman nila sa mga papuri, lalo’t nagmula iyon sa direktor nilang si Zig Dulay, sa mahusay na akting na ipinakita nila sa upcoming drama show ng GMA na pinagbibidahan nila, hindi napigilan ni Zoren na umiyak habang naghahayag ng kanyang saloobin.

Sinabi rin ni direk Zig na nasa bucket list niya na maidirehe ang mag-asawa sa isang proyekto, na nagkaroon na nga ng katuparan.

“Grabe, ‘yung mga binitiwang salita ni direk, sobrang nakatataba ng puso, na isa ‘yun sa bucket lists niya,” pahayag ni Carmina. ”So thank you direk! Parang feeling ko naman parang… basta nakaka-happy, nakaka-proud. Thank you, thank you.

“Kasi masarap talagang pakinggan galing sa direktor, or sa creative team na bucket list nila na makatrabaho ako at si Zoren, so nagpapasalamat  ako.

“First time ko makatrabaho si direk Zig and nakakabitin. But I’m still very thankful dahil nabigyan ako ng chance to work with him.

“This is not the end, of us,” at tumawa si Carmina, ”umpisa pa lang namin ito ni direk hopefully and I’m looking forward na makatrabaho si direk Zig kasi napakagaan.

“At nakatutuwa kasi we respect  each other’s opinions, points of views, pagdating sa mga eksena he’s very giving, so ang gaan, ang gaan!

“Kahit mabigat ‘yung story namin, magaan lahat kasama, magaan lahat katrabaho; from the crew, the staff and the cast so I’m very thankful kahit na maikling pagkakataon lang ‘yung naibigay sa amin, very thankful pa rin.”

Napapanood na ang Stories From The Heart: The End Of Us sa GMA. Kasama nina Carmina at Zoren dito sina Arielle Arida, Karel Marquez, at Andrew Gan.        

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …