Nagsimula nang mangalap ng mga gulay ang mga vegetable farmers at traders sa lalawigan ng Benguet upang ipadala sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.
Pahayag ni Agot Balanoy, public relations officer ng League of Associations at the La Trinidad Vegetable Trading Areas, nakatakda nilang ipadala nitong Lunes ng gabi, 20 Disyembre, ang mga nakalapa nilang mga produkto mula sa kanilang mga miyembro.
Dagdag niya, umabot na sa apat an toneladang sari-saring gulay na nagkakahalaga ng P80,000.
Regular na tumutulong ang mga lokal na vegetable farmers ng Benguet sa mga biktima ng mga kalamidad gaya ng pagputok ng bulkang Taal sa pammagitan ng pagbibigay ng mga gulay mula sa kanilang mga pananim.