Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA 7 Bagyo Odette

GMA buong puwersa sa pagtutok sa bagyong Odette

RATED R
ni Rommel Gonzales

BUONG puwersa ang GMA Network sa paghahatid ng balita at serbisyong pampubliko sa pananalanta ng bagyong Odette.

Bago pa man mag-landfall si Odette, nakahanda na ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) at ang mga team nito. Bunga nito ay mabilis itong nakapamahagi ng relief packs sa Leyte, Surigao, Bohol, at Cebu. Katuwang ang Armed Forces of the Philippines, agad na nakapaghatid ng tulong ang GMAKF sa mga lugar na pinaka-nangangailangan. Nag-donate rin ang Philippine Army ng P4-M sa GMAKF mula sa subsistence allowance ng mga sundalo. Ang Philippine Navy naman, dinala ang mga GMAKF relief goods patungong Cebu at Bohol. Ang Philippine Coast Guard, katulong ng GMAKF sa paghahatid ng mga relief good patungong Mindanao.

Full force rin sa paghahatid ng balita ang GMA News sa pamamagitan ng 24 Oras, Unang Hirit, Saksi, 24 Oras Weekend, at GMA News Bulletins.

Sa GTV, nariyan ang Dobol B TV, GMA Regional TV News, Balitanghali, Dapat Alam Mo!, State of the Nation, at ang Balitanghali Weekend. Kasama rin dito ang simulcast ng 24 Oras, 24 Oras Weekend, at Saksi.

Muli ring naasahan ng publiko ang resident meteorologist ng GMA News na si Nathaniel “Mang Tani” Cruz na naghatid ng impormasyon pati na ng babala ukol sa bagyong Odette bago pa man ito pumasok sa Philippine Area of Responsibility.

Kaakibat din ng GMA News ang mga news team ng GMA Regional TV na hindi natinag ng bagyong Odette sa pagbabalita mula sa iba’t ibang sulok ng bansa lalo na sa mga lugar na tinamaan ng bagyo tulad ng Liloan sa Southern Leyte; Surigao City; Surigao del Norte; Misamis Oriental; Cagayan de Oro City; Guiuan, Eastern Samar; Bohol; Cebu City; Lapu-lapu City; Cebu province; Tacloban City, Leyte; Bacolod City; at Negros Occidental.

May mga news team din sa Iloilo City; Iloilo province; Dolores, Eastern Samar; Allen, Northern Samar; Aklan; Albay; Masbate; Catanduanes; Camarines Norte; Camarines Sur; Sorsogon; General Santos; Calayan, Cagayan; at Davao City.

Sa Central at Eastern Visayas, nakatutok ang GMA Regional TV Balitang Bisdak habang sa Western Visayas, napapanood ang updates sa GMA Regional TV One Western Visayas.  Ang GMA Regional TV One Mindanao patuloy sa paghahatid ng balita sa North, Central, South Central, at Southern Mindanao. Ang flagship national newscast ng GMA RTV na Regional TV News, malaki rin ang bahaging inilalaaan sa pagbabalita sa bagyong Odette.  

Ang flagship AM radio station ng GMA na Super Radyo DZBB at ang mga Super Radyo station nito sa Cebu, Davao, Iloilo, Kalibo, at Palawan, patuloy din sa pagbabalita lalo na sa kasagsagan ng hagupit ng bagyo. Sa gitna ng pananalanta ni Odette, nanatili ang mga itong on-air upang maghatid ng latest update sa bagyo.

Online, updated din ang netizens sa pamamagitan ng GMA News Online at ng mga social media platform ng GMA News and Public Affairs. May livestreaming ng 24 Oras, 24 Oras Express, 24 Oras Weekend, 24 Oras News Alerts, at mga post patungkol sa mga government briefing. Aktibo rin ang GMA News and Public Affairs’ citizen engagement arm na YouScoop at may mga quick breaking updates sa GMA News Feed. Ang disaster at emergency preparedness portal ng Kapuso Network na IMReady ay wala ring tigil sa pagbabahagi ng updates online.

Patuloy ang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation sa pagtanggap ng cash donation. Bisitahin ang www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate para sa detalye.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …